Balita

Imbestigas­yon vs Calida, ‘di mapipigila­n

- Leonel M. Abasola

Nanindigan kahapon si Senator Antonio Trillanes IV na walang legal na basehan si Solicitor General Jose Calida upang pigilan ang gagawing imbestigas­yon ng Senado hinggil sa umano’y maanomalya­ng transaksiy­on ng mga security company ng abogado ng pamahalaan.

Iginiiit ni Trillanes na hindi exempted si Calida sa imbestigas­yon at higit sa lahat, walang “sacred cow” sa legislativ­e inquiries.

Layunin ng imbestigas­yon na matukoy ng Senado kung bakit nakapasok ang mga security company ni Calida sa ilang ahensya ng pamahalaan sa kabila ng posisyon nito bilang Solicitor General.

“Let me remind Mr. Calida that he is not a sacred cow. He does not have any immunity from any legislativ­e inquiry. Thus, his petition for TRO (temporary restrainin­g order) has no legal basis,” giit ni Trillanes.

Una nang hiniling ni Calida at ng kanyang pamilya sa Supreme Court (SC) na ipatigil ang imbestigas­yon sa mga kontratang pinasok ng pag-aari nilang Vigilant Investigat­ive and Security Agency, Incorporat­ed.

Sa petisyon ni Calida, ipinapabal­ewala niya ang imbitasyon ni Trillanes na dumalo siya sa pagdinig dahil hindi naman aprubado ng komite o ng Senado ang nasabing pagsisiyas­at.

Matatandaa­ng iniharap nina Trillanes, Senators Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Bam Aquino, Francis Pagilinan at Leila de Lima ang Senate Resolution 760 upang imbestigah­an ang security agency ng pamilya ni Calida.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines