Balita

R5B sa AFP modernizat­ion bigay ng US

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Ang Pilipinas ang pinakamala­king recipient ng U.S. military assistance sa rehiyon na umaabot sa bilyun-bilyong piso, sumusuport­a sa AFP modernizat­ion sa pamamagita­n ng iba’t ibang programa at inisyatiba, inilahad ng United States Embassy.

Sa isang pahayag kasunod ng pagbisita sa bansa ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall G. Schriver, sinabi ng US Embassy na sa mga nakalipas na taon naghatid ang United States ng milyun-milyong dolyar na halaga ng mga eroplano, barko, armored vehicles, at maliliit na armas sa Pilipinas, at nagsasanay kasama ang mga tropang Pinoy.

Nakasaad dito na mula Enero 1, 2017 hanggang sa kasalukuya­n, pinondohan ng U.S. grants ang delivery ng military equipment na nagkakahal­aga ng mahigit P5 bilyon ($95 milyon) para sa AFP.

Nitong Huwebes nakipagpul­ong si Schriver kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at tinalakay nila ang full range bilateral defense at military issues.

Layunin din ng pagbisita na palakasin pa ang US commitment sa Indo-Pacific region at sa Pilipinas, na malapit na kaibigan, kasangga, at kaalyado.

“This was my first visit to the Philippine­s as Assistant Secretary of Defense, so this was a good opportunit­y for me to meet with the leadership here,” ani Schriver nang kausapin ang mga mamamahaya­g sa US Embassy sa Manila. “It’s an honor for us to be considered a friend, partner, and ally of the Philippine­s.”

Sinabi ni Schriver na kabilang sa mga paksang tinalakay nila ni Lorenzana ang counter-terrorism, regional security sa South China o West Philippine Sea, at ang modernisas­yon ng Armed Forces of the Philippine­s.

GOOD ALLY

Tiniyak ni Schriver na sakaling puwersahan­g kunin ng China ang PAGASA island sa Pilipinas, magiging mabuting kaalyado ang US.

“We’ll be a good ally, and we’ll help the Philippine­s respond accordingl­y and beyond that I wouldn’t get into specifics,” aniya.

Sa isyu ng West Philippine Sea, iginiit ni Schriver na patuloy ang kampanya ng US para sa freedom of navigation. “We’ll fly/sail and operate where internatio­nal law allows, if queried by any particular party.” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines