Balita

3 utas, 9 laglag sa drug ops

- Mary Ann Santiago

Patay ang tatlong hinihinala­ng tulak ng ilegal na droga habang siyam na iba pa ang arestado sa magkakasun­od na anti-illegal drug operations sa Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) director, Police Chief Supt. Rolando Anduyan ang mga napatay na sina Joseph Dalisay, 29, ng 464 Sto. Niño Street, Tondo; Luisito Torilla, 39, ng 728 T Alonzo St., Sta. Cruz; at Ricardo Reyes, 20, ng Phase 2 Marcelo St., NBBS, Navotas City.

Arestado naman sina Anthony Lopez, 42; Alejandro Francisco, 23; Ruby Natividad, 31; Salvador Molino, 40; Nico Aure, Jr., 23; Sherwin Bagcayan, 23; CJ Ignacio, 18; Christophe­r Kaile Yrigan, 18; at Rovic Jorge Verzosa, 18.

Sa ulat ng MPD-Raxabago Police Station (PS-1), ibinulagta ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Team (SDET) si Dalisay sa buy-bust operation sa Sto. Niño St., dakong 4:10 ng madaling araw kahapon.

Nakumpiska sa suspek ang isang baril at tatlong pakete ng umano’y shabu.

Samantala, bumulagta rin sina Torilla at Reyes nang manlaban sa buy-bust operation sa Avenue B ng Manila North Cemetery, sa Blumentrit­t St., sa Sta. Cruz, bandang 4:15 ng hapon kamakalawa.

Nakatangga­p ng tip ang mga pulis hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya nagkasa ng buy-bust operation, ngunit nakahalata si Torilla na pulis ang kanyang kaharap kaya namaril.

Hindi tinamaan ang pulis at binaril ang suspek, na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakita ni Reyes ang pangyayari, kaya bumunot ito ng baril at nagpaputok dahilan upang ibulagta rin ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang revolver, 10 pakete ng umano’y shabu, at P300 buy-bust money.

Samantala, naaresto rin sa buybuy operation sina Lopez, Francisco at Natividad sa riles sa Carreon St., Pandacan, bandang 9:30 ng umaga kamakalawa.

Dinakma naman sina Molino at Aure sa Aplaya St., kanto ng Promise St., Pandacan, nang makumpiska­han ng tatlong pakete ng umano’y shabu, bandang 9:30 ng umaga.

Nalambat naman sa anti-illegal drugs operation sina Ignacio, Yrigan at Verzosa sa Eloriaga St., dakong 5:00 ng madaling araw kahapon.

Hinuli rin si Bagcayan sa anti-illegal drugs operation sa Oro-B St., sa Sta. Ana, dakong 5:00 ng madaling araw.

Naghihimas ng rehas ang siyam na suspek at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines