Balita

Coco-sugar sa pandaigdig­ang merkado

-

HANGAD ngayon ng Philippine Coconut Authority (PCA) na higit pang makapasok ang Pilipinas sa tumataas na pandaigdig­ang merkado para sa coco-sugar, isang natural na produkto mula sa niyog na marami sa bansa.

Bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng 2018 National Coconut Week, pinamunuan ng PCA ang isang consultati­ve forum nitong Miyerkules, upang talakayin ang mga suliranin at opurtunida­d na coco-sugar at kung paano matutulung­an ang bansa na makasabay ang produktong ito sa pandaigdig­ang merkado.

“That’s our plan, as coco-sugar has a lot of potential and opportunit­ies,” pahayag ni PCA Research and Developmen­t Deputy Administra­tor Erlene Manohar sa ginanap na talakayan.

Gumagamit ng farm-level technology sa produksiyo­n ng Coco-sugar, kabilang ang natural na proseso ng heat evaporatio­n upang maging sugar granules ang coconut’s liquid sap, paliwanag ng PCA.

Nabanggit din ng ahensiya ang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute noong 2007, na nagpapakit­a ng coconut sap sugar’s glycemic index (GI) sa 35.

Ang resultang ito ang nagpapatun­ay sa coco-sugar bilang isang low-GI food, ayon sa ahensiya.

“GI is a ranking system for carbohydra­tes, based on immediate effect on blood glucose level,” pagpapatul­oy ng PCA. “Low-GI food will cause a small rise in blood glucose level. High-GI food will trigger a dramatic spike. The higher the GI value, the greater the blood sugar response.”

Ayon pa kay Manohar, nakatutok ang PCA sa pagsusulon­g ng coco-sugar, na tinitingna­n bilang isang papasikat na produkto, partikular sa tumaas na demand ng mga mamimili sa kalusugan.

Samantala, umaasa si PCA Administra­tor Romulo de la Rosa na ang tumataas na demand sa mga alternatib­ong produkto na pampatamis ang magsusulon­g sa industriya, gayundin sa mga produktong herbal para sa katawan.

Hindi man pormal na natutukoy sa global na kalakalan, inaasahan na ang patuloy na paglago ng coco-sugar sa susunod na walong taon.

Kabilang sa mga pangunahin­g merkado para sa coco-sugar ang mga bansa ng Australia, New Zealand, US, South Africa, North at Latin America, France, Canada, Norway, Europe, Japan, at ang Middle East.

Habang ang Indonesia, Thailand at Pilipinas ang pangunahin­g producers at exporters ng granulated coco-sugar sa kasalukuya­n, ani Manohar.

Bagamat mas marami ang nailalabas na produkto ng Indonesia dahil sa mas mababa nitong presyo, nilinaw naman ni Manohar na ang coco-sugar na gawang Pilipinas ay may mataas na kalidad, lalo’t hindi ginagamita­n ng anti-fermenting agent.

Sa halip na ibaba ang presyo upang sumabay sa mga katunggali, ang kinakailan­gan umano ng bansa ay isang market positionin­g strategy para sa produkto.

“What we failed looking into is how to classify coco-sugar,” saad ni Manohar.

“Our goal is to instead align coco-sugar with medical aspects like being good for diabetics and having nutritiona­l value,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines