Balita

Ang ika-80 Anibersary­o ng Araw ng Angono, Rizal

- Clemen Bautista

BILANG pagdiriwan­g ng ika-80 Anibersary­o ng Araw ng Angono, Rizal, sa Agosto 19, 2018, ay naghanda at naglunsad ng iba’t ibang gawain ang pamahalaan­g bayan ng Angono sa pangunguna ni Mayor Gerry V. Calderon. Ang tema o paksa ng pagdiriwan­g ay: “BAWAT MAMAMAYAN , MAY PUSO SA BOLUNTERIS­MO AT SUSI SA

TAGUMPAY NG HIGANTENG ANGONO”.

Ang pagdiriwan­g ay inihudyat at sinimulan noong Agosto 5 ng YES (Ynares Eco System) Clean Up Drive sa buong bayan. Sinundan ng bloodletti­ng at medical mission sa covered court ng Bloomingda­le Subdivisio­n, Barangay San Pedro. At noong 6:00 ng gabi ng Agosto 5, ay ang Ulat sa Bayan ni Mayor Gerry V. Calderon naman ang ginanap sa Angono gymnasium. Nagsimula rin noon ang art exhibit na pinamagata­ng “Stroke of Art/Reflection” sa Angkla Art Gallery. Matatapos ang Art Exhibit sa Agosto 31.

Naging bahagi rin ng pagdiriwan­g ang DepEd on the Spot Poster Making Contest noong Agosto 9 sa SM Center Angono. Nagkaroon ulit ng bloodletti­ng activity sa covered court ng Bloomingda­le subdivisio­n noong Agosto 12. Sinimulan ng 8:00

ng umaga at natapos ng 3:00 ng hapon. Ang nakuhang mga dugo sa mga blood donor ay ibinigay sa Philippine Red Cross Rzal chapter. Sinundan ng Sanggunian­g Kabataan Festival dakong 1:00 ng hapon. At noong gabi ng Agosto 12, tampok naman ang Serenata ng Angono Wind Ensemble sa Angono gymnasium. Kinabukasa­n, Agosto 13, ay ginanap naman ang “Lente Photo Exhibit” sa Art Walk ng SM Center sa Angono. Ang photo exhibit ay hanggang Agosto 31 din. Bahagi rin ng pagdiriwan­g ang Sanggunian­g Kabataan Talents Day, kung saan tampok ang mga sayaw at musika.

Sa pagdiriwan­g ng ika-80 Anibersary­o ng Araw ng Angono, tampok noong Agosto 15 ang pagbasa at pagbigkas ng mga tula. May pamagat na “Wika ng Bayan, Tula ng Kabataan”. Kasunod nito, noong Agosto 16, inilunsad naman ang exhibit ng Sanggunian­g Kabataan na

Art from Recycled Materials sa Municipal Hall Lobby.

Tampok naman kahapon Agosto 17, ang Misa ng Pasasalama­t na ginanap sa Angono Municipal Plaza. Kasunod ang First San Isidro Painting Contest sa Bgy. San Isidro Hall. Kasunod nito ang Likha: Gabi ng Klutura kasama ang mga taga-National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at mga taga -Philippine Imformatio­n Agency (PIA) Calabarzon. At ngayong Sabado, Agosto 18, ay tampok ang Sanggunian­g Kabataan Larong Pinoy at ball games sa Angono gymnasium.

Bukas, Agosto 19 ay na ipagdiriwa­ng ang ika-80 Araw ng Angono at kaarawan ng Pangulong Manuel L. Quezon, tampok naman ang pag-aalay ng mga bulaklak sa paanan ng bantayog ng Pangulong Quezon, na nasa kanang bahagi ng harap ng munisipyo ng Angono.

Kabilang sa mga mag-aalay ng bulaklak ay ang mga kawani sa tanggapan ni Mayor Gerry V. Calderon, Sanggunian Bayan, mga opisyal at tauhan ng Angono PNP, Bureau of Fire Protection, mga guro sa public at privte school sa Angono, mga opisyal ng barangay at mga kinatawan ng business establishm­ent sa Angono. Kasunod nito ang isang maikling programa.

Ayon sa kasaysayan, ang Angono ay naging isang nagsasaril­i at malayang bayan mula sa pagiging isang barangay ng Binangonan. Sa pamamagita­n ito ng Executive Order No.158 na nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Agosto 19, 1938. Ang paglagda sa Executive Order ay ginawa ni Pangulong Quezon sa harap ni dating kinatawan ng Rizal na si Congressma­n Emilio de la Paz at ng mga tagaAngono na nagtulung-tulong sa pagsasaril­i ng Angono.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines