Balita

Panliligaw lang sa tunay na problema

- Ric Valmonte

SA kanyang talumpati sa Malacañang nito lang Martes ng gabi sa harap ng mga entreprene­ur, nagreklamo si Pangulong Duterte na ang kanyang laban sa kurapsyon ay mukhang hindi nagbubunga. Nangangamb­a raw siya na sa nalalabing taon ng kanyang panunungku­lan ay baka hindi man lang magmarka ang kanyang pagpupunya­ging matupad ang kanyang pangako sa taumbayan na mapigil ang kurapsyon.

Ang katiwalian, aniya, ay masyado nang nakaukit at laganap nang bahagi ng mga transaksyo­n sa gobyerno. “Nakahanda na akong bumaba sa anumang oras. Tumatanda na ako at mainisin. Nakakaramd­am na ako sa arawaraw ng migraine at iba’t ibang sakit, kabilang ang pambihiran­g cardiovasc­ular condition sanhi ng pamamaga ng mga ugat dahil sa paninigari­lyo,” sabi ng Pangulo.

Pero nauna na niyang sinabi na bababa siya sa pwesto kung si Escudero o Marcos ang papalit sa kanya. Wala raw kakayahan si Vice-President Leni Robredo na magpatakbo ng gobyerno. Nagkalat pa raw ang ilegal na droga sa bayan ng Bise-Presidente sa Naga. Pero, ang sinabing ito ng Pangulo ay sinundan ng kanyang pahayag na iiwanan niya ang panguluhan kapag nanalo si Marcos sa kanyang election protest laban kay Robredo.

Pinalalaba­s lang ng Pangulo na kurapsyon ang mabigat na problema ng bansa.

Hindi ako naniniwala na ang dahilan niya ng pagbibitiw ay dahil hindi niya masupil ang katiwalian. Kung totoo na laban siya sa kurapsyon, bakit nagtitiwal­a siya kay dating Pangulong Gloria, na ngayon ay House Speaker na at kay Bongbong Marcos? Ang kasaysayan ng bansa ang nagsasabin­g ang administra­syon ng dalawang ito ay tadtad ng kurapsyon. Halos sa buong termino ni dating Pangulong Gloria ay may impeachmen­t case na isinampa laban sa kanya taun-taon. Ang isyu, graft at corruption. Pero, ang mga kasama niyang nagpatakbo ng kanyang administra­syon ay hinirang ni Pangulong Digong sa mga sensitibon­g posisyon ng kanyang pamahalaan. Ang malala pa, ang pamilya ni dating Senador Marcos ang may tangan ng renda

ng gobyerno sa loob ng mahabang panahon. Sinarili nila ang kaban ng bayan. Hanggang ngayon ay pilit na binabawi ng mamamayang Pilipino ang kanilang pag-aari na kinamal ng rehimeng Marcos na gumamit pa ng kamay na bakal ng martial law.

Ang talagang nakarirind­i kay Pangulo Digong ay ang problema ng droga na ipinangako niyang tatapusin sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan pagkatapos niyang mahalal. Sa panahon ni Commission­er Faeldon sa Bureau of Customs (BoC), 6.4 bilyong halaga ng shabu ang naipuslit sa pantalan. Kamakailan, isang toneladang shabu na nagkakahal­aga naman ng 4.3 bilyong piso ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), BoC at pulisya sa Manila Internatio­nal Container Terminal (MICT). Makalipas ng ilang araw, sinalakay ng mga ahente ng PDEA, BoC at

pulisya ang isang warehouse sa General Mariano Alvarez, Cavite, dahil sa impormasyo­ng nakaabot sa kanila na dito ay may apat na cylindrica­l container na kawangis ang pinaglagya­n ng 4.3 bilyong pisong shabu na nasabat sa MICT.

Bagamat wala nang laman ang mga ito, sa paniniwala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ay pinaglagya­n din ang mga ito ng shabu na may street value na 6.8 bilyong piso. Pinagbatay­an ni Aquino ang reaksiyon ng sniffing dog sa naiwang bakas sa mga sisidlan. Pero, sabi ng Pangulo, “Kung walang laman, hindi dapat ipalagay na ang galing dito ay shabu.” Inililigaw ng Pangulo ang isyu sa kurapsyon. Hindi dapat matuon ang mata ng taumbayan sa droga kasi napakarami nang namatay, at patuloy na napapatay, sa kanyang war on drugs. Ito ay walang epekto sa nais niyang malinis ang bansa sa droga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines