Balita

Nangaliwa si mister

- Gina de Venecia

DEAR Inang Mahal,

Isang taon na ang nakaraan mula nang malaman kong nangaliwa ang aking mister. Minsan lang naman ‘yon nangyari, at nalaman ko ito, siyam na buwan makalipas niya itong ginawa. Sa loob ng panahong ‘yon, napansin ko ang malaking pagbabago ng asawa ko. Hindi na siya umiinom, naging mas mabuting ama sya sa aming dalawang anak at naging mas mabuting mister.

Mahal ko po siya, pero ako rin ‘yong tipong hindi mananatili sa isang kasal, dahil sa aming mga anak. Ang problema ko po: Hindi ko malimutan ang ginawa niyang pangangali­wa. Magkakilal­a na po kami mula pa nang ako ay 16 habang siya naman ay 17. Ngayon po ay nasa early 30s na kami. Araw-araw po ay naiisip ko ang sakit na dulot ng kanyang pangangali­wa. Palagay n’yo po ba ay nagaaksaya lamang ako ng panahon sa aming pagsasama?

Reden

Dear Reden,

Ang pagiging tapat sa asawa ang pundasyon ng isang matatag na pagsasama. Nabanggit mo, na minsan nang nangaliwa ang iyong mister, na tanda ng pagtalikod niya sa inyong sinumpaan.

Gayunman, palagay ko’y hindi ka naman nag-aaksaya ng panahon, dahil tila pinagsisih­an na ng iyong mister ang kanyang ginawa. Katunayan, nagsikap siyang ayusin ang kanyang sarili at pagandahin ang inyong pagsasama. Pero, sa ikapapayap­a ng iyong loob, bakit hindi mo ipagtapat sa kanya ang iyong nalaman, upang mabigyan siya ng pagkakatao­ng umamin at humingi ng kapatawara­n sa kanyang ginawa. Kung gusto ninyong pareho na maging matatag ang inyong pagsasama, mahalaga na bukas ang inyong komunikasy­on at walang inililihim sa isa’t-isa.

Nagmamahal, Manay Gina

“Forgivenes­s is almost a selfish act because of its immense benefits to the one who forgives.” ---- Lawana Blackwell Send questions to dear. inangmahal@gmail.com

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines