Balita

‘Tres’‘di gaya-gaya sa ‘Buy Bust’

- Ni ADOR V. SALUTA

SA October na ang playdate ng pelikulang Tres ng magkakapat­id na Luigi, Bryan, at Jolo Revilla, pawang anak ni dating Senador Bong Revilla at ni Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado.

Isang trilogy movie ang Tres. Bida sa “Virgo” episode si Bryan, si Luigi naman ang pangunahin­g tampok sa “Amats”, habang si Cavite Vice Gov. Jolo ang bida sa “72 Hours”.

Ang nasabing action film ay hudyat din ng pagbabalik sa paggawa ng pelikula ng Imus Production­s.

Ayon sa isang source, punumpuno ng aksiyon ang Tres. Kuwento sa amin, kung napagod daw ang mga manonood sa mga makapigil-hiningang bakbakan at patayang ipinakita sa Buy Bust, na pinagbibid­ahan ng It’s Showtime host na si Anne Curtis, dito sa Tres ay mapapakapi­t ang mga manonood sa kanilang upuan, sa dami ng aksiyon at suspense ng pelikula.

Sa eksklusibo naming panayam kay Bryan, ibinida niya ang maaksiyong Tres. Aniya, may mga nagkukumpa­ra raw sa Tres sa Buy Bust, dahil parehong from beginning to end ay walang humpay na habulan, barilan at patayan ang mapapanood. Of course, triumph over evil ang mensahe ng pelikula, na napapanaho­n sa ngayon.

“Bago pa i-showing ang Buy Bust, halos tapos na kami sa produksiyo­n. Kaya doon sa mga nagsasabin­g baka nangopya kami, hindi po totoo ‘yun,” sabi ni Bryan.

Nalaman din namin kay Bryan na ang nakababata­ng kapatid na si Luigi ay magbabakas­yon sa Europe this September 1, pero hindi naman niya nabanggit kung sino ang makakasama ng utol niya, kung girlfriend ba o mga barkada.

Sa tatlong magkakapat­id daw, ayon kay Bryan, ay loveless sila ni Jolo ngayon. Balik-single si Jolo pagkatapos silang maghiwalay ng long-time girlfriend na aktres na si Jodi Sta. Maria.

Kabe-break lang din ni Bryan sa nobya niyang may-ari ng isang beauty derma clinic.

 ??  ?? Jolo
Jolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines