Balita

Karakter ni Paul Walker sa ‘Fast’, sasaluhin ng mga kapatid

-

HALOS limang taon makaraang pumanaw si Paul Walker, inihayag ng kanyang mga kapatid na okay sa kanilang gampanan ang kanyang karakter sa Fast and Furious franchise.

Hiniling ng mga producer kina Caleb Walker at Cody Walker na gampanan ang karakter ng kapatid, at tulungan silang tapusin ang Furious

7, makaraang masawi si Paul sa car crash noong Nobyembre 2013.

Ang karakter ni Paul ay nananatili pang buhay sa fictional Fast universe at dalawang beses na nabanggit sa The Fate of the Furious noong 2017.

“I just hope we get to — I don’t know — have a little cameo and bring Paul back to save the day and I get to help create that again,” sabi ni Caleb, 40, sa panayam nitong nakaraang linggo. “That’s my dream and I hope we get to do that in one of the future movies.”

“I think there could potentiall­y be a way to do it. But it would take a lot of thought and it’d have to be tasteful. It would have to be tasteful,” ayon naman kay Cody, 30 anyos. “He was the real deal, the real car guy. And in his absence, I — you know — I think it’s lost its way in a big way.” Ipino-promote nina Caleb at Cody ang I Am

Paul Walker, ang isang oras na dokumentar­yo tungkol sa kabataan, pamilya, at career ng aktor, sa direksiyon ni Adrian Buitenhuis. Nag-premiere ito nitong nakaraang linggo sa Paramount Network.

Ang dalawang Walker brothers ay kapwa naging ama, sa unang pagkakatao­n, noong nakaraang taon at naniniraha­n sa Southern California. Hindi pa nila napapanood ang buong

Furious 7 film, mula nang dumalo sa premiere noong Abril 2015.

“It’s kind of creepy sometimes when you’re like, ‘Oh, that’s me.’ It doesn’t feel right,” sabi ni Caleb. “I think one day, when our kids are little older and we are able to share that experience with them and be like, ‘Hey look, this is your uncle Paul. He was the greatest guy in the world and here we are being able to portray him and finish up this movie for him.’ That’s when I think it will really hit that I think it was really worth it and special and all that. But in the meantime, it’s still a little conflicted.”

Apatnapung taong gulang si Paul nang mawalan siya ng kontrol sa minamaneho­ng Porsche Carrera GT hanggang sa sumalpok sa tatlong puno at magliyab, sa Santa Clarita, California.

Ang sunod na scheduled film sa Fast franchise ay isang spin-off na pagbibidah­an nina Dwayne

Johnson at Jason Statham. Nakatakda itong ilabas sa susunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines