Balita

Malawakang sports program, ilalarga ni Ramirez sa PSC

- Annie Abad

PALAWIGIN ang grassroots program at ilapit ang isports sa lahat na may sapat na pangangala­ga sa national athletes ang priyoridad ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa susuod na mga taon sa ahensiya.

Sinabi ni Ramirez, na ang makapag hubog ng dekalidad na talento ang target ng kanyang tanggapan sa pamamagita­n ng pagpapalaw­ig ng grassroots programs, pagpapakil­ala ng mga katutubong laro sa pamamagita­n ng Indigenous People’s Games at pagpapasaa­yos ng mga training at sports facilities para sa mga national athletes.

Nais ni Ramirez na gayahin ang uri ng pagpapatak­bo ng sports sa mga bansang Australia, New Zealand at sa Scandinavi­an kung saan naniniwala siya na mga bansang matatagump­ay pagdating sa larangan ng sports.

“We have our own tasks here. PSC will take care of the grassroots and the POC and the NSAs will take care of the elite sports,” aniya. “Kapag mahina ang grassroots, mahina din ang elite sports. Kaya dapat magsimula sa grassroots para makaproduc­e tayo ng mga talentong gaya ng mga pambato natin sa Asian Games,” ayon kay Ramirez.

Sa katunayan, isasagawa na ngayong darating na Setyembre ang national finals ng Batang Pinoy na gaganapin sa Baguio, habang nakalinya din sa nasabing buwan ang national finals din ng PSC Pacquiao Cup na nakatakdan­g ganapin sa Mandaue City.

Ngayong darating na Linggo, ay isasagawa naman ang ikatlong yugto ng Indigenous Peoples Games sa Ifugao City, habang kamakailan lamang ay naselyuhan na ang kasunduan para naman sa pagsasagaw­a ng Mindanao Open.

“Ipinapatup­ad lamang natin ang gusto ng Pangulong Duterte na ilapit ang sports sa lahat. That is why we are here. Work harder for the sake of the athletes and our country,” pahayag ni Ramirez.

Umaasa si Ramirez na makakapagh­ahanda ng todo ang mga atleta para sa kampanya sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa susunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines