Balita

Chiefs, natupok ng Blazers

-

Mga Laro sa Martes (Filoil Flying V Centre) 10:00 n.u. -- CSJL vs MU (jrs) 12:00 n.t. -- SBU vs LPU (jrs) 2:00 n.h. -- CSJL vs MU (srs) 4:00 n.h. -- SBU vs LPU (jrs)

PINATAOB ng College of St. Benilde, sa kabila ng hindi paglalaro ni star player Clement Leutcheu, ang Arellano University, 70-62, kahapon para patatagin ang kampanya sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Hataw si rookie Justin Gutang sa nakubrang 15 puntos at pitong rebounds, habang kumana si FilAm Yankie Haruna ng siyam na puntos at siyam na boards para sandigan ang Blazers sa ikalimang panalo sa walong laro.

Hindi nakalaro si Leutcheu dahil sa one-game suspension na ipinataw sa kanya bunsod ng dalawang technical fouls na nakamit sa laro laban sa Emilio Aguinaldo Generals nitong Martes.

Ang Cameroonia­n ang ikalawa sa leading scorer ng Benilde (11.9 puntos) at nangunguna sa rebound (9.6) at shot block (1).

“The team played well, we held our own in defense even without Clement,” sambit ni CSB coach TY Tang.

Bunsod ng panalo, nalagpasan ng Blazers ang 4-14 marka na naitala sa nakalipas na season.

Sa junior match, ginapi ng Junior Blazers ang Arellano, 74-66; habang naungusan ng Jose Rizal ang Emilio Aguinaldo College, 74-69.

Iskor:

St. Benilde (70) – Gutang 15, Carlos 11, Haruna 9, Belgica 8, Domingo 8, Dixon 6, Naboa 6, Young 5, Pasturan 2, Barnes 0, Nayve 0, Velasco 0

Arellano U (62) – Alcoriza 14, Sera Josef 11, Villoria 9, Canete 9, Alban 6, Segura 3, Codinera 3, Concepcion 2, Ongolo Ongolo 2, Santos 2, Sacramento 1, Dela Cruz 0, Bayla 0, Dela Torre 0

Quartersco­res: 16-11; 32-27; 51-46; 70-62

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines