Balita

Go-for-Gold, lumapit sa D-League title

- Marivic Awitan

MULING nagpakita ng magandang laro si Paul Desiderio para sa Go for Gold sa Game 3 para maisalba ang Scratchers, 9896, kontra Che’Lu Bar and Grill sa 2018 PBA D-League Foundation Cup Finals nitong Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Hindi lamang pumukol ng dalawang importante­ng triples ang UP Fighting Maroon sa huling 1:05 ng laro dahil naging bayani pa ito sa end game, matapos ang game-winning layup may 3.4 segundo sa laban.

“I rode with Paul. I said, ‘Bahala ka. Get the ball, do whatever you want, just take us home’, and he did,” pahayag ni Go for Gold coach Charles Tiu.

Hindi sinayang ni Desiderio ang tiwala sa kanya ni Tiu.

Tumapos siya na may 28 puntos, 22 dito ay isinalansa­n sa second half upang bigyan ang Scratchers ng 2-1 series lead .

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Scratchers upang makamit ang titulo.

Naiiwan pa ng siyam na puntos, 71-80, rumatsada ang Scratchers at nagposte ng 24-11 para agawin ang bentahe, 95-91, may 26.3 segundo ang natitira sa oras.

“You have to give credit to the players, all the credit to the players. The only thing I told them at halftime is it’s a championsh­ip game,” ayon pa kay Tiu. “You say you want to win pero kulang yung effort. They were outplaying us and we couldn’t make shots. But in the second half, we said that as long as you play defense, you’ll start winning. The guys just made plays.”

Nanguna si Jeff Viernes para sa Che’Lu sa itinala nitong 23 puntos, 6 assists, at 3 rebounds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines