Balita

Caidic, kome ng Golden League

- Marivic Awitan

NAPILI si PBA legend Allan Caidic bilang commission­er ng 3×3 Golden League Manila na gaganapin sa Setyembre 12 - 15.

Ikinatuwa naman ng tinagurian­g PBA Triggerman ang oportunida­d na pamunuan ang torneo dahil na rin sa kagustuhan nitong makatulong sa developmen­t ng grassroot basketball sa bansa at sa tsansang makapagbig­ay ng pagkakatao­n sa mga manlalaron­g maging kinatawan ng bansa sa internatio­nal competitio­n dahil ang magkakampe­on sa torneo ay ipapadala sa Beijing para makasali sa 3×3 Internatio­nal Elite League kung saan nila makakatung­gali ang mga top 3×3 teams sa buong mundo.

“I believe that the Philippine­s has a potential in this sport. Almost all players including me began playing 3×3 basketball on the streets,” ani Caidic.

“I see the potential of the Filipinos excelling in the sport, especially with the event being an Olympic sport in 2020 will motivate them further.”

Ang 3×3 Golden League Manila tournament ay idaraos sa Setyembre 12 - 14 sa Taft Food by the Court, habang ang national finals ay gaganapin sa Setyembre 15 sa Vista Mall sa Taguig City.

May kabuuang 128 teams ang maglalaban sa Manila tournament crown kung saan champion ay makakalaho­k sa Sina 3×3 Internatio­nal Elite League na idaraos sa Nobyembre 13 - 17 sa Beijing.

Ang champion ng Manila tournament ay tatanggap ng USD 3,000, habang ang first at second runners-up ay mag-uuwi ng USD 2,000 at USD 1,000 ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines