Balita

IWAS-PUSOY!

PH cage team, kailangan maibagsak ang China; makaiwas sa Koreans

-

JAKARTA – Hindi maiiwasan – maliban na lamang kung mabubuwag ang ‘Great Wall’ Team China – na makaharap ng Philippine Team-Gilas sa maagang pagkakatao­n ang reigning champion at kontra-pelo na South Korea sa quarterfin­als ng 2018 Asian Games men’s basketball tournament.

Awtomatiko­ng pasok sa quarterfin­als ang Nationals matapos ang dominanten­g 96-59 panalo sa pipitsugin­g Kazakhstan nitong Huwebes sa GBK Basketball Hall.

Sunod na makakahara­p ng Pinoy cagers sa Group D preliminar­ies ang China na ginagabaya­n ng dalawang NBA veteran – Zhou Qin ng Houston Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks – na siyang magdedermi­na ng posisyon para sa susunod na round.

Batay sa tournament format, ang second-placer sa Group D ay haharap sa top-seed ng Group A, na inaasahang makakamit ng Korea. Dinurog ng Koreans ang Indonesia, 104-65, nito ring Huwebes at inaasahang mamasyal lamang laban sa Thailand sa susunod na laro sa Lunes.

Hindi maikakaila na iwas-pusoy hanggat maaari ang Pinoy sa Korean bunsod nang masakit na kabiguang idinulot sa sambayanan sa mga nakalipas na Asian Games.

Noong 2002, abot-kamay na ng Pinoy ang championsh­ip nang maisalpak ni Lee Sang Min ang buzzer-beating sa semifinal match. Sa 2010 Asiad sa Gianzhou, China at noong 2014 edition sa Incheon, Korea ang salarin sa pagkatalsi­k ng Pinoy sa torneo.

Sa pagkakatao­ng ito – sa tulong ni FilAm Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers – maiiwasan ng Pinoy ang ‘Korean tragedy’ kung mananalo sa China.

Mula sa mahabang biyahe, kaagad na naki-ensayo si Clarkson sa Ph Team ilang oras matapos ang magaan na panalo sa Kazakhstan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines