Balita

Mayor suspendido sa pamumutol ng puno

- Ni CZARINA NICOLE O. ONG

Pinatawan ng 90-day preventive suspension si Calaya, Antique Mayor Genevieve Gumban Lim-Reyes dahil sa kasong graft at paglabag sa kasong Coconut Preservati­on Act.

Ibinaba ng 5th Division ng anti-graft court ang suspensyon habang dinidinig pa ang kinakahara­p na kasong paglabag sa Republic Act (RA) 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at kasong paglabag sa RA 8048 dahil sa pagkakasan­gkot nito sa clearing operations sa limang ektaryang lupaing kinatatayu­an ng bahay ng complainan­t na si Juliet Ramos, na nagresulta sa pagkakaput­ol ng 245 puno ng niyog sa Barangay Tinogboc, Calaya noong Pebrero 28, 2014.

Ang suspension order ng korte ay bunsod na rin sa kahilingan ng prosekusyo­n at ito ay kinontra naman ni Lim-Reyes nitong Hulyo 31.

Depensa ng alkalde, invalid ang isinampang kaso laban sa kanya dahil ang umano’y pagkakadaw­it nito sa pamumutol ng mga puno ng niyog ay walang kinalaman sa katiwalian.

Aniya, maaaring mahatulan ito sa parehong krimen sa iisang kaso na kinatatamp­ukan ng Section 13 ng Rule 110 ng Rules of Court, na nagsasaad na dapat ay saklaw lamang ng isang krimen ang isang naisampang kaso ngunit hindi ito binigyang-bigat ng hukuman.

“The Rule prohibits the filing of an Informatio­n which charges more than one offense, however, in the present case, the prosecutio­n charged the accused with two offenses, contained in two separate Informatio­ns, with each Informatio­n charging only one offense, which makes the allegation of the accused untenable,” sabi ng ruling ng hukuman.

Ipinaliwan­ag pa ng anti-graft court na hindi idinaan ng alkalde sa legalidad ang naging hakbang nito.

 ??  ?? DISCRIMINA­TION? Kulay bahaghari ang ginamit sa isang pedestrian lane bilang pagsuporta ng Sanggunian­g Kabataan ng Barangay sa Lesbian Gay Bisexual and Transgende­r (LGBT) community sa Talamban, Cebu City. JUAN CARLO DE VELA
DISCRIMINA­TION? Kulay bahaghari ang ginamit sa isang pedestrian lane bilang pagsuporta ng Sanggunian­g Kabataan ng Barangay sa Lesbian Gay Bisexual and Transgende­r (LGBT) community sa Talamban, Cebu City. JUAN CARLO DE VELA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines