Balita

KC nakabalika­n ang French photog

- Ni NITZ MIRALLES

AS usual, may mga nega comments sa pakikipagb­alikan ni KC Concepcion sa French photograph­er na si PierreEmma­nuel Plassart. Kesyo mas

gusto pa rin nila si Aly Borromeo, at may nag-comment pa na mas okay kung si Piolo Pascual ang makatuluya­n ni KC.

Uso ang move on, mga ateng!

At ang nabanggit ninyong mga pangalan ay matagal nang wala sa buhay ni KC.

Si Pierre-Emmanuel, na kung tawagin ay PEP, uli ang special someone ni KC, dahil kung tama ang mga nababasa naming ay nagkabalik­an ang dalawa. Yes, hindi bagong suitor ni KC si PEP, gaya ng iniulat ng iba.

Nakarelasy­on at naging sila na ni KC noong 2013. Sabi pa nga, nag-propose ng marriage si PEP kay KC, but that time ay hindi pa handa ang dalaga kaya hindi niya tinanggap ang proposal.

Sa Los Angeles na based si PEP, at nandoon ngayon si KC. Nagkita sila at mukhang nagkabalik­an. Si PEP yata ang tinukoy si Sharon Cuneta na nagpadala ng bouquet of roses kay KC. Nakilala at nagkita na rin sila at pabor daw si Sharon kay PEP.

Masa ya ang fans ni KC para sa kanya, at umaasa silang si PEP na ang “The One” ng dalaga. Kung pagbabat ayan ang mga sagot ni KC sa comments ng kanyang followers sa social media, masaya ang aktres, at mukhang totoong nagkabalik­an nga sila.

Ang caption nga ni KC sa photo nila ni PEP: “Warm, genuine, timeless.”

May nag-comment ng, “This type of man is the ‘one’ who can handle a type of woman that independen­t, passionate, spirit free and beautiful inside out.”

Sinagot ito ni KC ng, “I think so too.”

Sa nagpayo naman kay KC na ‘wag na niyang intindihin ang mga natatangga­p na insensitiv­e comments at gawin lang kung ano ang magpapasay­a sa kanya, sumagot ang dalaga: “Don’t worry about them. They wouldn’t be commenting like that if they were happy with their own lives. Only happy hearts can spread happy vibes.”

Natutuwa tiyak si KC dahil mas marami ang positive comments kaysa nega tungkol sasa nagbabalik niyang love life. Sana nga, sa altar na matuloy ang pagbabalik­an nila ni Pierre-Emmanuel Plassart.

 ??  ??
 ??  ?? Pierre-Emmanuel at KC
Pierre-Emmanuel at KC

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines