Balita

Digong sa nabasurang bills: Pasensya na lang!

‘HANGGANG SA HULI, I WILL SERVE’ Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

-

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari siyang magretiro sa maraming paraan, ngunit ang higit na mahalaga ay mapagsilbi­han niya ang taumbayan hanggang sa huli.

Ito ang inihayag ng Presidente nitong Biyernes ng gabi ilang araw makaraang aminin niyang naiisip na niyang bumaba sa puwesto dahil nagsasawa na siya sa pagsugpo sa hindi matigil-tigil na kurapsiyon sa pamahalaan.

Sa kanyang speech sa Davao City, sinabi ni Duterte na lagi niyang uunahin ang kapakanan ng mga Pilipino kahit pa hindi niya matapos ang kanyang termino, o hindi niya matupad ang lahat ng kanyang ipinangako.

“I said I had many options. Retire quietly or retire with a big bang or if I do not get there,” sinabi ni Duterte nitong Biyernes ng gabi.

“Basta ako, para sa Pilipino at maaasahan ninyo that I will serve,” dagdag niya.

Aniya, handa siyang bumaba sa puwesto at ipaubaya ang pamamahala sa bansa sa mga taong hindi kailanman magmamaliw ang pagmamahal sa Pilipinas.

“I would be hitting the firewall three years from now. I don’t expect to live that long,” ani Duterte. “But if I get there, I would like to leave government in the hands of Filipinos who simply love their country.”

Ilang beses nang binanggit ng Pangulo na hindi niya kailanman hinangad ang manatili nang matagal sa puwesto, sinabing hindi na niya hihintayin ang pagtatapos ng kanyang termino sa 2022 at awtomatiko­ng bababa sa puwesto kapag naging federal na ang sistema ng gobyerno.

Samantala, may mensahe rin ang Pangulo sa Kamara de Representa­ntes, iginiit na hindi niya maaaring aprubahan ang mga panukalang hindi makakabuti sa mamamayan.

“Mabuti na lang andito si President Arroyo. I mean, she can hold the line dito sa Congress,” sabi ni Duterte, tinukoy si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

“Only that—ang akin naman, only those measures that would be of good to the Filipino nation. I cannot support, for the life of me, measures that would cost detriment to the people. ‘Di talaga ako puwede. So pasensiya na lang,” aniya pa.

Una nang nagpahayag si Duterte ng pagkontra sa ilang panukalang isinusulon­g sa Kamara, kabilang ang kontrobers­iyal na divorce bill, na labis niyang tinutulan. Ibinasura rin niya ang mga panukala upang suspendihi­n ang mid-term elections sa susunod na taon.

Kinuwestiy­on din ni Duterte kung bakit tinanggal ng Kamara ang rape at kurapsiyon sa listahan ng mga krimeng maaaring patawan ng kamatayan, sa panukalang magbabalik sa death penalty sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines