Balita

Ogie, ‘di hihinto sa pag-awit

MAGPE-PERFORM KASAMA ANG 3 ANAK

- Ni NORA V. CALDERON Ogie

THIRTY years na in the business si Ogie Alcasid, at may mas maganda pa bang way to celebrate the occasion kung hindi sa pamamagita­n ng isang concert?

Sa Friday, August 24, na ang

OA: Ogie Alcasid 30th Anniversar­y Concert, 8:00 pm sa Araneta Coliseum.

Natanong si Ogie ng ilang entertainm­ent press sa pocket presscon sa kanyang restaurant na Hungry Samurai sa Tomas Morato, Quezon City. Ano ang feeling na for 30 years ay patuloy pa rin siyang kumakanta, nagpapataw­a, at nagko-compose ng songs for him at para sa iba pang singers?

“Hindi ko iniisip ang retirement, hanggang humihinga ako, hindi pa rin ako hihinto,” nakangitin­g sagot ni Ogie. “Gusto ko pa ring narito ako for more, more years.

“Pero siguro matututo na akong magslow down; iyong bibigyan ko na ang sarili ko na medyo magpahinga at more time na makasama ko ang asawa ko at mga anak ko.

“Sinabi ko na kay Regine (Velasquez) na gusto ko namang magbakasyo­n every three months. Kahit dito lang (sa Pilipinas), pero iyong kaming dalawa lang ang magkasama. Gusto ko namang i-try namin ang Balesin dahil member kami roon.

“Unang ginawa kasi namin iyon noong birthday ni Regine last April, sa Boracay kami. Ang ganda nga ng experience na iyon, dahil last Christmas ko pa iyon nai-book at last day namin doon April 26. Sino ba naman ang makakaalam na isasara pala ang Boracay nang araw na iyon, kaya in-enjoy namin nang husto, dahil ilan na lamang yata kaming nandoon, nagpalipat-lipat pa kami ng rooms dahil wala na nga ang ibang naka-occupy sa mga rooms doon. Biruan pa kami ni Regine kung makakaalis pa kami roon.

“Kaya siguro, susunod namin ni Regine, iyong US concert tour niya sa Viva Records, at ako ang special guest niya. Sasabay na namin ang bakasyon, kasi five cities ang pupuntahan namin, we will be away for 15 days. At nag-book na rin ako na sa Japan naman kami sa Christmas, kasama ko ang pamilya ko at pamilya ni Michelle (van Eimeren). Pero ngayon, ito munang concert ang pinaghahan­daan ko.”

Ano ba ang iba sa gagawin niyang concert this time?

“Isa rito iyong first time kong makakasama ang ABS-CBN Philharmon­ic Orchestra, iba kasi talaga ang tunog nila. First time ko ring magiging guest si Vice Ganda at mabubuo muli kami nina Michael V at Janno Gibbs, dahil guests ko sila.

“Excited din ako dahil first time kong makakasama on stage ang tatlo kong anak, sina Leila, Sarah at Nate. Si Sarah doon na siya nagre-rehearse sa Australia, kasi may classes pa siya. Uuwi siya rito kasama ang mommy niya (Michelle), ninenerbyo­s na nga raw siya.

“At guest ko pa rin sina Rey Valera, Yeng Constantin­o, Bansot Mee, at siyempre si Ms. Regine Velasqauez-Alcasid. Si Paolo Valenciano ang aming director at si Maestro Gerard Salonga ang aming musical director.”

Para sa tickets sa concert, tumawag sa 9115555, o bisitahin ang www.ticketnet.com.ph.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines