Balita

Barbie, malaking tinik para sa Dos

- Ni DINDO M. BALARES

TITINGNAN mong bulilit pero si Barbie Forteza ang nagpapahir­ap sa mga katapat na television drama series ng GMA Network.

Malawak ang mass base at loyal fans ni Barbie. Karamihan sa serye niya ang binibigyan ng extension ng Siyete para pagbigyan ang request ng followers at advertiser­s na huwag munang tapusin.

Ang umeereng Inday Will Always Love You na pinagbibid­ahan niya, extended na naman. Nagannounc­e ang GMA-7 na second season na sila. Hindi na rin kataka-taka kung hindi lang sa second season ito magtatapos. Bipolar ang character ni Barbie sa Inday Will Always Love You bilang si Happylou, na ini-enjoy niya nang husto. “Paano ba naman, kahit hirap na hirap na siya sa buhay niya, habang nagpapakai­n ng baboy, naglilinis, basta kahit na anong sakit pa ng pinagdadaa­nan niya, aba, pakantakan­ta lang!” aliw na kuwento ni Barbie nang makaharap namin pagkatapos ng announceme­nt para sa second season nila. “Very light ang serye namin, positive vibes bago matulog ang mga tao,” dugtong pa niya. Ito mismo ang dahilan kung bakit maraming sumusubayb­ay sa bawat serye ni Barbie, nakatuklas ng angkop na formula para sa kanya ang creative people. Dapat hindi na niya binibigyan pa ng problema ang audience. Kung nasasadlak man sa kahirapan at matitindin­g sitwasyon ang karakter niya, dapat maipakitan­g hindi siya tinatalo ng mga problema.

“Umaayon sa akin ang mundo,” sabi pa ng petite beauty.

Hindi lang si Happylou ang tinutukoy niya, pati na rin ang personal niyang buhay.

Sa karakter man o sa tunay na buhay, ganito ang attitude ni Barbie. At ramdam siyempre ng ibang tao ang gaan.

May deep insight siya sa bipolar na character niya, na puwede kang maka-cope sa baliw na takbo ng buhay kung magbabaliw-baliwan ka na rin.

Panay ang hagikhik niya nang magkomento ako na hindi siya hirap gumanap bilang bipolar dahil nakaka-relate siya sa character niya.

Isa sa mga bankable na artista ng GMA-7 si Barbie Forteza pero hindi siya umaastang sikat.

Hindi siya kagaya ng iba na porke tinitilian ng maraming tao akala mo kung sino na.

Sa showbiz, kagaya niya ang nagkakaroo­n ng mahabang career. Saanmang industriya o larangan, kapag likas kang mabuti at mabait na tao, umaayon sa iyo ang mundo.

 ??  ??
 ??  ?? Barbie
Barbie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines