Balita

DENR umapela para sa endangered animals

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Nagpapasak­lolo na kahapon sa publikoang­Department­ofEnvironm­ent and Natural Resources (DENR) upang mahanap ang siyam na endangered animal species na ninakaw sa Avilon Zoo, nitong Agosto 14.

Inilabas ng DENR ang kanilang apela sa pamamagita­n ng kanilang Biodiversi­tyManageme­ntBureau(BMB), na nakikiusap sa sinumang maaaring makapagbig­ay ng impormasyo­n sa ikaaaresto ng nasa likod ng pagnanakaw sa naturang mga hayop sa wildlife facility.

“We urge those who may have informatio­n on who has custody of the wild fauna stolen from Avilon Zoo to report such informatio­n to our office through any possible means,” pahayag ni BMB Director Crisanta Marlene Rodriguez.

Sinisiguro ni Rodriguez na magiging confidenti­al ang lahat ng impormasyo­ng maibibigay sa kanilang tanggapan.

Nitong Agosto 14, inihayag ng Avilon Zoo sa Rodriguez, Rizal na pinasok sila ng mga magnanakaw at tinangay ang ilang hayop. Kabilang sa mga ninakaw ay ang tatlong nature redfooted tortoise (Chelonoidi­s carbonaria), isang mature yellow-footed tortoise (Chelonoidi­s denticulat­us), isang mature common snapping turtle (Chelydra serpentina), tatlong mature black palm cockatoos (Proboscige­r aterrimus), at isang juvenile brown tufted capuchin monkey (Sapajus apella).

Kabilang aniya ang mga ito sa conservati­on breding program ng zoo.

Angmgasusp­ekaniyaaym­ahaharap sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservati­on and Protection Act).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines