Balita

DOTr nag-sorry sa perhuwisyo sa NAIA

- Mary Ann Santiago

Humingi ng paumanhin kahapon si Department of Transporta­tion (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa matinding abalang naidulot ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa runway ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA), kamakailan.

Sinabi ni Tugade na ikinalulun­gkot niya ang insidente, pero wala aniyang may kagustuhan ng nangyari.

Aniya, ginawa ng DOTr ang lahat ng makakaya upang kaagad na matugunan ang sitwasyon.

“I am saddened by the inconvenie­nces and consequenc­es brought about by the incident involving Xiamen Air. It is a regrettabl­e experience, which is not of our own liking, nor of our own making. I am sorry. We did our very best to address the situation,” pagpapakum­baba ni Tugade.

Ikinatuwa naman ni Tugade ang ipinakitan­g dedikasyon at ang diwa ng bayanihang ipinairal ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan na nag-asikaso sa insidente.

“This incident served as an eyeopener—a reminder for us to take a second look at the processes, procedures, and protocols of concerned agencies, as well as airlines, so that we may all improve in the future,” paalala ng kalihim.

“More importantl­y, through this incident, I personally witnessed the dedication and ‘bayanihan’ spirit exhibited not only by public servants from CAAP, led by Director General Jim Sydiongco, MIAA, led by General Manager Ed Monreal, and the DOTr, but also those of third parties who offered their assistance, including the private sector, volunteers, and other airports such as Clark and Subic. Again, on behalf of the entire DOTr Family, I am deeply sorry,” pagtatapos pa ni Tugade.

Dakong 11:28 ng umaga nang muling buksan ang internatio­nal runway 36 na oras ang nakalipas makaraang sumadsad ang nabanggit na eroplano, na nagresulta sa pagkansela sa ilang flights at pagkastran­ded ng libu-libong pasahero.

“NAIA’s internatio­nal runway 06/24 is now open for flight operations,” pahayag kahaponngt­anghalingM­anilaInter­national Airport Authority (MIAA).

 ?? JANSEN ROMERO ?? HASSLE! Napuno kahapon ang lobby ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport Terminal 2 ng mga stranded na pasahero, kasunod ng aksidenten­g kinasangku­tan ng eroplano ng Xiamen Airline sa airport sa Parañaque City, nitong Biyernes. Nasa 50 flights ang nakansela sa maghapong pagsasara ng runway. Binuksan na ng pamunuan ng airport ang runway kahapon ng tanghali.
JANSEN ROMERO HASSLE! Napuno kahapon ang lobby ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport Terminal 2 ng mga stranded na pasahero, kasunod ng aksidenten­g kinasangku­tan ng eroplano ng Xiamen Airline sa airport sa Parañaque City, nitong Biyernes. Nasa 50 flights ang nakansela sa maghapong pagsasara ng runway. Binuksan na ng pamunuan ng airport ang runway kahapon ng tanghali.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines