Senatoriables ni Inday Sara, isiniwalat
Nanguna sina Senators Juan Edgardo Angara, Joseph Victor Ejercito at Cynthia A. Villar sa mga kandidato sa pagkasenador na inendorso ng regional political party Hugpong ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, nitong Biyernes ng gabi.
Dumalo bilang guest speaker si Pangulong Rodrigo Duterte sa mass oathtaking ng HNP sa SMX Convention Center sa Davao city, at nagpahayag ng suporta sa inisyatibo ng kanyang anak na si Mayor Sara.
“I appreciate what Inday is doing to galvanize the Filipino people” pahayag ni Pangulong Duterte para kina Mayor Carpio at sa HNP, na tatawaging dominant political party sa 2019 mid-term election.
Nitong Huwebes, inendorso ni Mayor Duterte-Carpio sina Senators Villar, Ejercito at Angara, gayundin sina Maguindanao 2nd District Congressman Dong Mangudadatu, dating Senador at kasalukuyang Taguig Congresswoman Pia S. Cayetano, Ilocos Governor Imee Marcos, Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, dating PNP Chief Ronald dela Rosa at Presidential Spokesman Harry Roque bilang senatorial candidates.
Sa ngayon, si Mangudadato ang nagiisang Muslim candidate sa partido.
Ayon kay Duterte-Carpio, ang Hugpong ng Pagbabago ay “practically a party to support the administration of the President.”
Aniya, nag-aatubili siya noong una na papayag ang Pangulo sa kanilang regional party.
“But PRRD – President Duterte said if that’s what you have agreed on for Davao region, I have no problem with that,” paliwanag niya.
“May I get your commitment, so that they will not have to come back to Davao region because we will support them?” tanong ng alkalde sa mga manonood.
“If you want me to campaign for you, I will “sambit ng Pangulo.