Balita

7 drug suspects dinakma sa ‘drug den’

- Orly L. Barcala

Sinalakay ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ang isa umanong drug den at naaresto ang dalawa umanong tulak ng droga at limang durugista sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Ferdie Del Rosario ang dalawa umanong tulak na sina Aljohn Cruz, 44, ng No. 755 J. Emmanuel Street, 8th Avenue; at Sederic Murillo, 37, ng No. 132 Gonzales St., Caloocan City.

Ayon kay Del Rosario, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU laban kina Cruz at Murillo sa Emmanuel St., dakong 1:30 ng madaling araw.

Isa sa mga pulis ang nagsilbing poseur buyer ng P500 halaga ng shabu.

Matapos magbayaran, dinamba ng mga pulis ang mga suspek.

Pinasok ng awtoridad ang bahay ni Cruz at naaktuhan umanong bumatak sina Judolo Balang, 40, ng No. 168 Samson Road, Malonzo St., Caloocan City; Ihvan Paul Reyes, 20, ng No. 29 A. Partline Extension, GSIS Village, Quezon City; Francis Henry Baguino, 32, ng Road 20, Project 3, Baguino Compound, Quezon City; Emerito Yasafia, 39, ng No. 20 Herous Del 96, Caloocan City; at Erica Perez, 22, ng No. 29 A Partlane Extension, GSIS Village, Project 8, Quezon City.

Kinasuhan sina Cruz at Murillo ng paglabag sa Sec. 5, Sec. 11 ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002), at walang piyansang inirekomem­da para sa kanilang pansamanta­lang paglaya.

Kinasuhan naman ang lima pang suspek ng paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines