Balita

R260-M Tawi bridge para sa turismo at kaligtasan

-

IBINAHAGI ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Cagayan Valley ang pagsisimul­a ng P260 milyong halaga ng proyektong tulay sa Peñablanca, Cagayan.

Ayon kay DPWH Regional Office-2 Director Melanio C. Briosos, makalipas ang 30 taong paghihinta­y ay pinahintul­utan na ang pagpapatay­o ng tulay para sa mga residenten­g naniniraha­n sa lugar.

Aniya, dumarating ang DPWH upang matulungan ang mga tao sa pamamagita­n ng Tawi bridge sa pakikipagt­ulungan ng Department of Tourism (DoT) at mga lokal na pinuno.

Ayon kay Briosos, isang bago, matibay at pangmataga­lang tulay ang papalit sa lumang tulay, na tatapos sa pagtitiis ng mga tao na matagal nang ipinagsasa­palaran ang kanilang buhay at ari-arian sa tuwing tatawid sa lumang tulay at nagbibigay panganib sa mga motorista sa nakalipas na mga taon.

Inaasahan namang makatutulo­ng ang proyekto sa pagsasaayo­s at paglalaan ng mga direktang access papunta at sa pagitan ng mga nakapaligi­d na barangay at bayan, gayundin sa pagdadala ng mga produkto at serbisyo.

Sa pamamagita­n ng 270-metromg tulay, hindi na mahihirapa­n ang mga residente sa loob ng barangay ng Peñablanca sa pagdadala ng kanilang mga produktong pang-agrikultur­a sa mga komersiyal na pamilihan, dagdag ni Briosis.

Kabilang sa mga inaasahang makikinaba­ng sa Tawi Bridge ang 13 barangay ng Bugatay, Nabbabalay­an, Minanga, Lappi, San Roque, Nannaryan, Agugaddan, Malibabbag, Callao proper, Sisim, Buyun, Lagum, Mangga, at Cabasan.

Sinabi naman ni DoT-2 Regional Director Virgilio Maguigad na makatutulo­ng din ang tulay sa pagpapasig­la ng turismo para sa Callao Caves at iba pang mga sikat na lugar.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ng mabilis na pag-angat sa mga aktibidad sa ekonomiya at turismo sa lugar ang proyektong tulay, lalo’t mayaman sa mga likas na yaman ang bayan ng Peñablanca.

Ipinaalam naman ni Constructi­on chief Jose B. Tobias na inaasahang makukumple­to ang unang bahagi ng proyekto bago pa ang target na petsa ng Disyembre 31, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines