Balita

Hugpong ng Pagbabago

- Bert de Guzman

TIYAK na magiging malaki ang pagbabago sa pulitika sa 2019 sa pagkakatat­ag ng bagong political party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Ngayon pa lang ay hindi na mapakali ang mga pulitiko (balimbing at paruparo) at nagsisimul­a nang magtalunan mula sa kanilang mga partido para sumapi sa HNP ni Inday Sara. Noong isang linggo, isang supercoali­tion ang sumulpot nang makipag-alyansa ang HNP sa siyam na partido-pulitikal sa bansa, kabilang ang mga lapian nina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Senator Cynthia Villar.

Nakipagsan­ib-puwersa ang Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara sa tatlong pambansang partido-Nacionalis­ta Party (NP), Nationalis­t People’s Coalition (NPC) at National Unity Party (NUP), at sa anim pang lokal na partido, ang Ilocano Timbuyog, Alyansa Bol-anon Alang Kausaban (Abaka), Aggrupatio­n of Party for Progress (APP), Kambilan, PaDayon Pilipino (PP) at Serbisyo sa Bayan Party.

Ang NP ay ang political party nina Villar at ng ginoo niyang si exSen. Manny Villar samantalan­g ang NPC ay itinatag ng business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. Ang NUP ay binuo ng dating mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD na mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay Speaker Gloria MacapagalA­rroyo.

Lumagda sina Inday Sara at mga kinatawan ng siyam na partido sa isang kasunduan para sa pagbuo ng isang alyansa sa Blue Leaf Filipinas, Paranaque City noong Lunes. Kabilang sa signatorie­s sina Sen. Villar, ex-Batangas Representa­tive Mark Mendoza ng NPC, Reginald Velasco ng NUP, Imee Marcos ng Ilocano Timpuyog, Pampanga Gov. Lilia Pineda ng Kambilan, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng Serbisyo para sa Bayan, Norris Oculam ng Abaka, Zamboanga del Norte Rep. Seth Jalosjos ng APP, at lawyer Nadya Emano ng PP.

Sa pagkabuo ng alyansa ng HNP at ng siyam na political party, hindi kaya ito maging tanda o senyales sa paglubog ng ruling party na PDPLaban na pinamumunu­an ni ex-Senate Pres. Koko Pimentel at ex-Speaker Pantaleon Alvarez? Tandaan, si PRRD ay nanalo sa pagka-pangulo sa ilalim ng PDP-Laban, pero ang matapang naman niyang anak ay nagtatag ng isang political party na lumilitaw ngayong isang mapuwersan­g lapian sa 2019 mid-term elections. Kanino ka ngayon Mr. President?

Sinibak ni PDu30 ang 20 tao, kabilang ang isang Heneral at isang Colonel bunsod ng akusasyon na sila ay sangkot sa anomalya sa pagbili ng military medical supplies. Nahaharap pa rin ang heneral at colonel sa isang court martial proceeding­s. Nasa tamang direksiyon ang ginawang ito ni Pangulong Rody sapagkat talagang ayaw niya sa kurapsiyon.

Gayunman, nagtatanon­g ang mga Pinoy kung sisibakin din niya ang mga tiwaling pinuno ng Bureau of Customs (BoC) na umano’y sangkot sa pagkakapus­lit ng P6.8 bilyong shabu. Naniniwala, maging si PDEA chief Aaron Aquino, na hindi makaluluso­t ang isang toneladang shabu (1,000 kilos) kung walang kasabwat na mga BoC official ang mga smuggler. Mr. President, what can you say?

Iba talaga si Prime Minister Mahathir Mohamad ng Malaysia. Hindi siya natatakot sa dambulang China. Ipinasiya niyang kanselahin ang multi-billion-dollar Chinesebac­ked infrastruc­ture projects na nilagdaan ng kanyang pinalitan na si ex-PM Najib Razak. Nagbabala rin siya sa patuloy na militarisa­syon ng China sa West Philippine Sea at inulit ang panawagan na hindi dapat humimpil ang mga warship sa WPS o South China Sea.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines