Balita

Valerie ‘di makapaniwa­la sa engagement

- Ador V. Saluta

LUBUS-lubos ang nararamdam­ang saya ng aktres na si Valerie Concepcion dahil sa marriage proposal ng kanyang nonshowbiz boyfriend na si Francis Sunga, na nakabase ngayon sa Guam.

Kuwento ni Valerie, simple lang ang naging proposal ng nobyo noong July 11, 2018, ngunit nito lang August 16 niya ipinost ang picture ng kanyang engagement ring dahil sa hindi pa raw siya makapaniwa­la sa nasabing sorpresa ng boyfriend.

Sa panayam ng PEP kay Valerie, sa pamamagita­n ng direct messaging sa Instagram nitong Biyernes, ikinuwento ng 30-year-old actress at single mom ang nararamdam­an ngayong engaged na siya.

“Okay naman po. Still on a high sobrang saya. Last month pa siya nag-propose actually, July 11. Ngayon ko lang na-post kasi parang ngayon lang nagsi-sink in na engaged na ako.

“Hindi pa din nga ako makapaniwa­la. Medyo OA [overacting], pero ‘yun ‘yung totoong nararamdam­an ko. I’m still on a high because my hearts is overflowin­g with happiness.”

Kailan nila planong magpakasal ni Francis, na naka-based sa Guam?

‘Ang hirap mag-plan na magkalayo, eh. So, wala pang details. Pero so far, civil wedding pa lang ang napag-uusapan namin. Target namin this year sana, December.

“Pero US citizen po kasi siya, so may mga papers na kailangan muna asikasuhin. Hindi

namin alam kailan kami maa. approve So, if hindi aabot sa December, next year na lang.

“Pag-uusapan po namin ‘yung sa church wedding kapag pumuntaa na lang siya dito ulitpumunt to visit me.”

Ayon pa kay Valerie, sa simula pa man ng relasyon nila ay natagpuan na niya ang kanyang Mr. Right, ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.

“Yes , super. And na-feel ko na po kahit nung umpisa pa lang naman na he’s the one. Totoo pala ‘yun. Mapi-feel mo talaga. Pero nasa connection and chemistry n’yo talaga.

“Saka, I prayed really hard na sana mahanap ko na talaga ‘yung meant for me. Kasi na kailang heartbreak­s na din ako. Nagiging fragile na ‘yung puso ko. Kaya nga sabi ko sa caption ko na ‘answered prayer,’ kasi ipinagdasa­l ko talaga.

Ang tinutukoy ni Valerie na caption ay ang bago niyang post sa Instag ram nitong nakaraang araw: “I still can’t believe that I am now engaged to the man that I prayed for. Definitely worth the wait.

“Another ‘finally’ this year. In God’s perfect timing. #ThankYouLo­rd #BlessedBey­ondBelief #Engaged #MyAnswered­Prayer.”

Dagdag pa ni Valerie, naiyak ang kanyang anak na si Fiona nang ikinuwento niyang nagFrancis. propose na for marriage si Francis

“Sabi niya na, ‘finally.’ Super happy siya for me kaya naiyak siya,” kuwento ng aktres.

 ??  ?? Francis at Valerie
Francis at Valerie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines