Balita

Jean at Kyline sa ‘IWALY’ Season 2

- Nitz Miralles

SINA Barbie Forteza, Gladys Reyes, Juancho Trivino, Kimpoy Feliciano, Super Tekla, at Ricky Davao lang sa cast ng Inday Will Always Love You ang present sa press interview para i-announce na pumasok na sa Season 2 ang hit rom-com series ng GMA-7.

Pinasalama­tan ng cast ang televiewer­s sa suporta sa kanilang show.

“Nakakatuwa dahil tumatak na sa televiewer­s ang mga karakter namin sa IWALY,” kuwento ni Gladys. “Kahit saan ako magpunta ngayon, Amanda (pangalan ng karakter niya sa show) na ang tawag sa akin. Dalawa na sila ng Clara na name ko sa Mara Clara na tumatak sa televiewer­s.

“Nagpapasal­amat din ako na kahit kontrabida ang role ko, hindi masyadong nagagalit sa akin ang tao,” dagdag pa niya.

“Salamat sa suporta ng televiewer­s sa IWALY , hindi namin ini-expect na aabot kami ng Season 2 dahil one season lang ang peg ng show,” sabi naman ng bidang si Barbie. “Nakakatuwa­ng malaman na kahit mga bata, pinapanood kami, hinihintay ang airing kahit late na.”

Thankful din ang beteranong aktor na si Ricky: “Nakakatuwa­ng basahin ang feedback ng televiewer­s sa show. Kahit may drama, may comedy agad na pambawi kaya hindi sila nai-stress. Magaan sa kanila na matutulog silang nakangiti.

“Artista ako rito, minsan nakakakali­mutan ko at akala ko, ako ang direktor. ‘Pag may tumawag ng ‘direk’ tumatayo ako,” kuwento pa ni Ricky.

Sa Season 2, pumasok bilang guests sina Jean Garcia, sa role ni Florence na ex-girlfriend ni Philipp (Ricky). Nakakatuwa ang paghaharap nila ni Gladys dahil maglalaban sila, kontrabida versus kontrabida. Guest din si Kyline Alcantara, ang maligalig na kapitbahay ni Happy Lou (Barbie); at si Thea Tolentino, na hindi pa lumalabas ang karakter habang isinusulat namin ito.

Masaya ito dahil pinagsama-sama sa serye ang mga kilalang kontrabida sa Kapuso shows.

Hindi pa sinabi kung kailan magtatapos ang IWALY. Siguro, ghabang nag-e-enjoy ang viewers, at napapangit­i at napapatawa pa sila, patuloy na mapapanood ang patok na rom-com series.

 ??  ?? Kyline Jean
Kyline Jean
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines