Balita

Token Lizares, may concert with Richard Yap at Jed Madela

- Ni MERCY LEJARDE

MARAMI sa mga kaibigan sa showbiz press ang nagtatanon­g kung bakit daw ‘tila nananahimi­k ngayon sa mga events dito sa Metro Manila ang tinagurian­g Charity Diva na si Token Lizares.

Last year nga naman ay tipong super busy ito sa mga concert for a cause, lalo na ‘yung talk of the town Marawi Concert for a Cause nila ng Afficionad­o Lord Of Scents na si Joel Cruz, na ginawa sa AFP Theater. Marami ang nag-perform na singers doon, na karamihan ay sundalo, dahil ang mga benepisyar­yo ng nasabing concert ay ang mga nasawi at nasugatan sa pakikipagl­aban sa Marawi City noong nakaraang taon, gayundin ang mga naapektuha­ng residente.

Bukod sa concerts niya last year ay nakagawa rin ng dalawang indie movies si Token, ang Fatima Ang Tanging Yaman mula sa panulat at direksiyon ni Jigz Recto; at ang hindi pa naipalalab­as na Delete, na ayon sa isang reliable source ay three years in the making na as of this year 2018.

Nag-guest din si Token sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan gumanap siyang ina ni Iza Calzado.

Sa ngayon ay pansamanta­lang mananatili si Token sa bayan niya sa Bacolod City para asikasuhin ang concert nila nina Richard Yap at Jed Madela titled Unforgetta­ble,

kung saan makakasama rin nila ang singing comedians na sina AJ and Chazz plus Chikaz Band.

Gaganapin ang Unforgetta­ble

sa October 13, 2018, Saturday to be exact. Ang venue ay sa SMX SM Bacolod City Negros Occidental at ang kikitain ay for the benefit of St. Mary’s Home For The Aged sa nasabing lugar.

Ngayon pa lang ay nagpapasal­amat na ang Charity Diva sa mga bumili na ng tickets na nagkakahal­aga ng P1,800 for Gold, P1,000 for Silver, at P500 for Bronze.

Laking pasasalama­t din ni Token kay Joel Cruz dahil ito ang nagkusa para maging major sponsor ng Unforgetta­ble.

Harinawa ay maging “unforgetta­ble” para sa mga taga-Bacolod City ang Unforgetta­ble

concert sa October 13 para sumigaw sila ng “Concert pa more, Diva Token!”

‘Yun na!

 ??  ?? Token
Token

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines