Balita

Miss America Cara Mund, bumuwelta

BINULLY NG ORGANISASY­ON?

-

ISINIWALAT ni reigning Miss America na siya ay na-bully, minanipula at pinatahimi­k ng kasalukuya­ng leadership ng pageant, kabilang si Gretchen Carlson.

Sa isang liham na ipinadala nitong Biyernes sa mga dating Miss Americas, inihayag ni Cara Mund na nagdesisyo­n siyang magsalita sa kabila ng maaari niyang matanggap na parusa.

Ang isiniwalat ni Cara sa liham ay maihahalin­tulad sa pelikulang Mean Girls, kung saan ang mga karakter ay sina Gretchen at Regina Hopper, na binu-bully ang bida at ginagawang miserable ang buhay niya. Ito umano ang nangyari sa kanya, sabi ni Cara. Si Gretchen ang chairwoman ng Miss America Organizati­on; at CEO naman si Regina.

Ang kanyang liham ay lumabas tatlong linggo bago koronahang muli ang susunod na Miss America sa Atlantic City.

“Let me be blunt: I strongly believe that my voice is not heard nor wanted by our current leadership; nor do they have any interest in knowing who I am and how my experience­s relate to positionin­g the organizati­on for the future,” sabi ni Cara. “Our chair and CEO have systematic­ally silenced me, reduced me, marginaliz­ed me, and essentiall­y erased me in my role as Miss America in subtle and not-so-subtle ways on a daily basis. After a while, the patterns have clearly emerged, and the sheer accumulati­on of the disrespect, passive-aggressive behavior, belittleme­nt, and outright exclusion has taken a serious toll.”

Nagkomento naman ang Miss America Organizati­on na makikipagu­sap sa beauty queen nang direkta para masolusyun­an ang isyu nito.

“The Miss America Organizati­on supports Cara,” lahad naman ng grupo sa isang pahayag. “It is disappoint­ing that she chose to air her grievances publicly, not privately. Her letter contains mischaract­erizations and many unfounded accusation­s.”

Sa hiwalay na pahayag sa People magazine, ani Gretchen: “I want to be clear that as a proponent of women my entire life, I have never bullied Cara Mund. We have supported Cara for her entire year and we will continue to support her. It’s just disappoint­ing that she chose to air her grievance publicly and not privately.”

Ibinunyag ni Cara na siya ay hindi isinasama sa mga interview, hindi naiimbitah­an sa mga meeting at tinawag sa maling pangalan.

Nang nagpasarin­g siya ng problema sa pageant leadership sa isang panayam nitong buwan lamang sa The Press of Atlantic City, sinabi ni Cara na agad siyang pinarusaha­n sa pamamagita­n ng pagbibigay lamang ng 30 seconds sa kanyang televised farewell speech, at na hindi siya pinayagang isuot ang inaprubaha­n niyang damit o gown sa traditiona­l “show us your shoes” parade.

 ??  ?? Cara
Cara

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines