Balita

Mula sa Fight, UP Flight na

-

HINDI maikakaila na ang direksyon ng UP Fighting Maroons ay pababa sa nakalipa sna UAAP seasons.

Mula nang tanghaling kampeon noong 1986, hindi na nakausad nang matatag ang Maroons sa premyadong collegiate league – maliban sa dalawang magkasunod na season 1996 at 1997 – kung saan umabot sila sa Final Four.

Dahilan ito sa unti-unting pagtalikod ng UP Maroon followers sa nakalipas na taon. Kabilang sa naapektuha­n nito ang recruitmen­t program ng eskwelahan.

Sa kabila ng pagtatangk­a ng Maroons na makaagapay, banderang kapos ang katipunanb­ased school.

Malaking dagok ang mababang budget sa sports program ng UP.

Sa Season 77 noong 2014, ipinagdiwa­ng UP community ang natatangin­g iang panalo ng Maroons sa season sa UP Sunken Garden. Tinalo ng UP ang Ateneo na pumutol sa kanilang 27-game skid.

Sa 78 hanggang 80, naging matatag ang UP Fighting Maroons at sa paghkakata­ong ito inaasahang contender sa Final Four.

Tapik sa balikat ng UP Men’s Basketball Team ang suporta ng 3M Philippine­s – ang global science company na patuloy sa pagsasalik­sik at inobasyon.

“This is not the first time we are partnering with educationa­l institutio­ns or talent,” pahayag ng 3M MD media statement. “We do what we can to support and provide tools, resources and knowledge. We believe that the UP Men’s Basketball Team is talent worth investing in.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines