Balita

Kobe, lampaso kay Jordan

- Marivic Awitan

SINAMANTAL­A ni Jordan Bartlett ng De La Salle University ang pagkapagod ng katunggali­ng si Kobe Paras ng University of the Philippine­s upang makamit ang 1-on-1 men's basketball crown sa UAAP Season 81 Last Man Standing 1-on-1 Hoops Challenge noong Biyernes ng hapon sa Mall of Asia Atrium sa Pasay.

Ginamit ng 5-foot-11 na si Bartlett ang kanyang bilis at liksi upang magapi ang 6-foot-6 na si Paras, 11-8 sa finals.

Halos hindi makasabay kay Bartlett si Paras,na halatang pagod na buhat sa naunang Slam Dunk Contest kung saan ito ang nagkampeon matapos talunin sa dalawang ulit na redunk sa finals si David Carlos.

"That's how I play, I play fast," wika ni Bartlett. "That's my niche is, my quickness. So regardless if he was tired or not that's how I'm gonna play anyway."

Naunang tinalo ni Paras si Robert Minerva ng National University, 11-9, sa Final Four.

Makakatapa­t dapat ni Paras si Brent Paraiso ng University of Sto. Tomas sa semis ngunit umayaw ang huli makaraang magcramps.

Nauna namang tinalo ni Bartlett si Ateneo de Manila University entry Quinito Banzon, 5-4, sa isa pang semis pairing.

Sa kababaihan, nagwagi naman si Ria Nabalan ng NU sa finals kontra kay Nathalia Prado ng Adamson,8-6 sa finals.

Gaya ng inaasahan, nagwagi ang mga paboritong sina Jerrick Ahanmisi ng Adamson at Khate Castillo ng La Salle sa 3-point shootout sa men's at women's division ayon sa pagkakasun­od habang pinaghatia­n din ng dalawang paaralan ang titulo sa skills challenge sa pamamagita­n nina Jerrom Lastimosa ng Falcons at Camille Claro ng Lady Archers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines