Balita

UST Tigers, tuloy ang atungal

-

MULING nanalasa ang University of Santo Tomas bets na sina Sisi Rondina at Babylove Barbon, gayundin ang tambalan nina Perlas' Dzi Gervacio at Bea Tan para makausad sa quarterfin­alists ng Beach Volleyball Republic on Tour Manila Open kahapon sa Sands SM By The Bay.

Ginapi nina Rondina at Barbon ang karibal na sina Gen Eslapor at MJ Ebro ng UST-2, 21-10, 21-14, para sa ikalawang sunod na panalo, ganang namayani sina Gervacio at Tan, 24-22, 2110, kontra Smart's Grethcel Soltones at Alyssa Eroa.

Umusad din sina Far Eastern University's Ivana Agudo at Marianne Calinawan matapos pabagkasin ang tambalan nina University of the Philippine­s 2's Abi Goc at Mikee Osorio, 21-16, 19-21, 15-5, para masundan ang 17-21, 21-11, 15-11 panalo kontra Rizal Technologi­cal University's Macie Candido at Jona Mae De Lima.

Ginapi naman nina Kempal's Roma Doromal at Chantal Rodriguez ang Adamson University's Hannah Nicole Infante at Gracelchen Ave, 21-23, 2113, 15-7 para sa susunod na round.

Nagwagi rin sina Doromal at Rodriguez kontra Rhea Manalo at Lyen Shan Ritual ng University of the East, 21-15, 21-16.

Apat na koponan ang nakabawi sa sa kabiguan para manatiling buhay ang kampanya para sa susunod na round.

Namayani sina Air Force's Anna Abanto at Jennifer Manzano-Acain kontra University of Perpetual Help System Dalta's Princess Deana Estanislao at Janine Padue, 21-15, 19-21, 15-12, habang umusad ang National University's Klymince Orilleneda at Antonnete Landicho kontra UP's Jessma Ramos at Justine Dorog, 21-17, 21-17.

Sa men's division, namayani sina Bryan Bagunas at James Natividad ng reigning UAAP champions NU’s Krung Arbasto at Jaron Requinton ng UST, gayundin sina Ranran Abdilla at Jessie Lopez ng Air Force, at ang tambalan nina Jayjay Solamillo at Gilbert Balmores ng Perpetual Help.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines