Balita

Lakas maka-NLEX

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Center-Antipolo) 4:30 pm Northport vs.NLEX 6:45 pm TNT Katropa vs.Meralco

MASUNDAN ang naitalang panalo sa opening seson nitong Biyernes para sa maagang pamumuno ang tatangkain ng NLEX at Meralco sa muli nilang pagsabak sa dalawang magkahiwal­ay na laro ngayon sa PBA Governors Cup.

Unang sasabak ganap na 4:30 ng hapon ang Road Warriors na kahit wala ang headcoach na si Yeng Guiao na kasalukuya­ng nasa Indonesia at ginagampan­an ang tungkulin bilang mentor ng national men's basketball team sa Asian Games, ay nagawang gapiin ang TNT Katropa sa una nilang laro,103-90, sa pamumuno ng import na si Olu Ashaolu sa paggabay ng kanilang acting coach na si Jojo Lastimosa.

Kahit may iniindang patela tendon tear na natamo sa tune up match nila kontra Meralco, tumapos si Ashaolu na may 33 puntos at 23 rebounds.

Gayunman, may duda kung palalaruin pa ulit ngayon si Ashaolu o

may darating ng bagong replacemen­t import ang Road Warriors.

Ipaparada naman ng katunggali nilang Northport dating Globalport ang baguhang import na si Rashad Woods.

Sa tampok na laro ganap na 6:45 ng gabi, muli namang sasandig si Meralco coach Norman Black sa kanilang mahusay na import na si Arinze Onuaku para sa target nilang ikalawang sunod na panalo sa pagtutuos nila ng Katropa.

Muntik ng naka triple double si Onuaku sa 109-106 na panalo nila kontra Columbian Dyip sa itinala nitong 26 puntos, 20 rebounds at 9 assists.

Sa kabilang dako, umaasa naman si TNT coach Nash Racela na babawi at magpapakit­ang gilas ang import na si Mike Glover mula sa malamya nitong performanc­e noong opener kung saan mayroon lamang itong itinalang 11 puntos at 15 rebounds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines