Balita

Teacher kinuyog sa pamba-bash kay Janine

-

HINDI kinaya ng teacher na basher ni Janine Gutierrez at ng Victor Magtanggol ang mga nagtanggol kay Janine at rumesbak sa kanya dahil nakaprivat­e na ang account ng teacher sa Instagram.

Kasi naman si Ma’am, nag-post lang si Janine ng picture niya sa IG at wala namang sinabing iba, nagpost agad ang teacher ng “The girl behind a flop TS”at nilagyan pa ng laughing emojis.

Sumagot si Janine ng “@mdm.pau (IG account ng teacher) congratula­tions po on 34 years of teaching. Wish you more power.”

‘Yun lang ang isinagot ni Janine at bumalik sa teacher ang pamba-bash niya kay Janine, dahil siya ang napagbalin­gan ng fans ng aktres. Nakakahiya raw ang ginawa niya, teacher pa naman siya at natukoy na sa isang school sa Bulacan siya nagtuturo. May nag-comment pang isusumbong siya sa principal.

Nagagalit ang ilang fans dahil lang isa si Janine sa kasama ni Alden Richards sa Victor Magtanggol. Hindi nila alam kung paanong ihihiwalay ang reel sa real, at hindi matanggap o ayaw tanggapin nagtatraba­ho lang sina Janine, Alden, Reese Tuazon at

Andrea Torres na kapwa involved din sa karakter ni Alden sa telefantas­erye ng GMA-7.

Kahit alam nila ang may boyfriend si Janine at masaya ng aktres kay Rayver

Cruz, pinagsesel­osaan pa rin ng ibang fans ang aktres. Mangngaaga­w daw si Janine ka-love team, wala naman siyang inaagaw dahil hindi naman sila love team ni Alden sa Victor Magtanggol.

Ang maganda lang, hindi solo ni Janine ang pambadahil­bash ng ilang fansm, may araw na si Andrea ang sobrang bina-bash, at may araw ding si

Reese. Depennde sa episode na lumalabas.

 ??  ??
 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines