Balita

Digong may ‘perpetual pain’

Nina Genalyn D. Kabiling at Argyll Cyrus B. Geducos

-

Aminado ang Pangulo na nakararana­s siya ng “perpetual pain” dulot ng aksidente sa motorsiklo ilang taon na ang nakararaan, ngunit siniguro na mahaba pa ang kanyang buhay.

Sa kanyang unang pagharap sa publiko sa Cube City mula nang lumabas ang alegasyon na na-comatose siya nitong nagdaang linggo, siniguro ng Pangulo sa publiko na nagpapahin­ga lamang siya sa kanyang bahay sa Davao City sa mga nakalipas na araw.

“Comatose, comatose ka diyan... comatose, matagal pa ako,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati bago ang pagpupulon­g ng mga alkalde mula sa Visayas, sa Cebu city nitong Martes ng gabi.

Gayunman, inamin ng Pangulo na nakararamd­am siya ng “constant pain” matapos ang isang aksidente sa motorsiklo ilang taon na ang nakalilipa­s. Simula nang mangyari ang insidente nahihirapa­n na umano siyang sumakay ng eroplano dahil madalas na siyang mahilo.

“I have a C4 and C7 na nag-impinge. That’s why I am in perpetual pain. On the—on any day, it’s seven in a scale of 10,” aniya.

Inabisuhan din umano si Duterte ng kanyang doktor na iwasan ang madalas na pag-inom ng mga painkiller. “Sabi niya ‘You better come to terms with your body.”

Ang pag-amin ng Pangulo hinggil sa kanyang iniindang spinal pain ay tugon sa kumalat na espekulasy­on tungkol sa kanyang kalusugan.

Samantala, siniguro naman ng Palasyo na susundin ni Pangulong Duterte ang nakasaad sa Konstitusy­on at ipapaalam sa publiko kung sakaling dumaranas ito sa seryosong karamdaman.

Sa isang panayam kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque sa radyo, kinilala niya ang karapatan ng publiko na malaman ang impormasyo­n tungkol sa kalusugan ng Pangulo, lalo at nakaaapekt­o ito sa kakayahan nitong pamunuan ang bansa.

“Ang Presidente po ay abogado, kung meron siyang matinding karamdaman, susunod po siya sa Saligang Batas, doon po siya magbibigay ng impormasyo­n tungkol sa kanyang kalusugan,” pahayag ni Roque.

“Nakasulat po doon, kapag merong matindi at seryosong karamdaman ang Presidente, kinakailan­gan isapubliko iyong kanyang impormasyo­n tungkol sa kanyang kalusugan,” dagdag ni Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines