Balita

Mister pinatay ni misis dahil sa R200

- Ni JUN FABON

Kasalukuya­ng tinutugis ang isang babae nang mapatay nito ang kanyang mister dahil sa P200 sa Quezon City, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Elmer Monsalve, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na si Rannie Calpito Tomas, 47, mekaniko, ng No. 23 Ruby Street, ROTC Hunters, Barangay Tatalon, Quezon City.

Isinugod pa sa ospital si Tomas, subalit hindi na naisalba ng mga doktor dahil sa tinamong mga saksak sa tiyan.

Patuloy namang hinahanap ang suspek na si Marynor Mina Tomas, nasa hustong gulang, na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigas­yon ng CIDU, naalimpung­atan ang kapatid ng biktima, si Imelda, dahil sa pagsisigaw­an ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Tatalon, dakong 1:44 ng madaling araw.

Sinilip ni Imelda ang nangyari at tumambad sa kanya ang duguang kapatid.

Una rito, hiningan ni Rannie si Marynor ng P200 dahil pupunta umano ang una sa Rodriguez, Rizal para sa gagawing sasakyan.

Sa puntong ito, nagalit umano si Marynor dahil ipapambili lamang umano ni Rannie ng shabu ang hinihingin­g pera.

Dahil dito, nagtalo ang mag-asawa hanggang sa sinaksak ni Marynor si Rannie.

Narekober sa lugar ang kutsilyo na pinaniniwa­laang ginamit ng suspek sa pananaksak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines