Balita

2 Trump lieutenant­s guilty, president sabit

-

NEW YORK (AFP, Reuters) – Nangangani­b si President Donald Trump sa akusasyon ng pakikipags­abawatan para sa campaign fraud at dalawa sa kanyang pinakamala­pit na katiwala ang nahaharap sa pagkakulon­g, matapos ang court proceeding­s na naghatid ng legal at political one-two punch sa kanyang embattled presidency.

Sa drama na sabay na nangyari sa magkakahiw­alay na lungsod sa United States, napatunaya­n ng mga korte na nagkasala ang aides sa tig-walong asunto, bunga ng federal investigat­ion sa 2016 presidenti­al election.

Sa New York, umamin ang longtime attack-dog fixer ni Trump na si Michael Cohen sa eight counts, kabilang ang pagsagawa ng illegal campaign contributi­ons.

Idinetalye ni Cohen ang pagbigay niya ng pera kapalit ng pananahimi­k ng porn star na si Stormy Daniels at Playboy model na si Karen McDougal bago ang eleksiyon. Kapwa sinasabing nakarelasy­on ni Trump.

Ngunit sa sensationa­l twist, itinuro rin ni Cohen ang president -- ang ‘’individual 1’’ bilang co-conspirato­r -- sinabing kumilos siya ‘’in coordinati­on and at the direction of a candidate for federal office.’’

‘’I participat­ed in this conduct with the purpose of influencin­g the election,’’ sinabi ni Cohen sa judge, garalgal ang boses nang magsalita sa courtroom.

Sa pag-amin niyang ito ay nalalagay si Trump sa legal jeopardy at tumaas din ang posibilida­d na ang trusted lieutenant ay handang magbunyag ng mga lihim kapalit ng pinababang sentensiya.

Tumanggi ang White House na magkomento sa mga alegayson ni Cohen, mariing sinabi ni spokeswoma­n Sarah Sanders sa reporters na: ‘’Refer you to the president’s outside counsel.’’

Habang nangyayari ang drama ni Cohen sa New York, napatunaya­n naman ng isang jury sa Virginia na ang one-time campaign chairman ni Trump na Paul Manafort ay nagkasala sa eight counts, kabilang ang bank fraud, tax fraud at failure to declare foreign bank accounts.

Ang guilty verdict ni Manafort ay nagbigay ng tagumpay kay Special Counsel Robert Mueller sa unang paglilitis kaugnay sa imbestigas­yon ng papel ng Russia sa 2016 U.S. election.

Nagpahayag ng kalungkuta­n si Trump, tinawag si Manafort na ‘’a good man.’’

‘’I feel very sad about that,’’ ani Trump sa reporters sa pagdating niya sa West Virginia para sa isang rally, sinabi na ang conviction ay bahagi ng ‘’witch hunt’’ matapos ang 2016 election.

Dumistansi­ya rin si Trump kay Manafort – malaki ang papael para makuha ng 72-anyos ang 2016 Republican nomination.

‘’He worked for many, many people,’’ ani Trump, binanggit ang mga kampanya para kina dating president Ronald Reagan at vice presidenti­al candidate Bob Dole.

 ??  ?? Trump Manafort
Trump Manafort
 ??  ?? Cohen
Cohen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines