Balita

Hero’s welcome

- Celo Lagmay

HINDI ko gustong pangunahan ang sinuman, subalit naniniwala ako na ngayon pa lamang ay marapat nang paghandaan ng kinauukula­ng ahensiya ng pamahalaan ang hero’s

welcome, hindi lamang para kay Hidilyn Diaz na nakasungki­t ng unang medalyang ginto sa weightlift­ing sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia; ngunit pati ang pagsalubon­g na nakaukol lamang sa mga bayani ay kailangan ding ihanda para naman sa iba pang medalist at sa kabuuan ng mismong Philippine delegation sa naturang sports competitio­n.

Dapat lamang na maging marangal ang pagsalubon­g sa ating mga atleta sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Angkop na angkop ang hero’s welcome (o heroine’s welcome) para kay Diaz hindi lamang bilang isang gold medalist. Siya

ay maituturin­g na isang tunay na bayani bilang aktibong miyembro ng ating Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Isa pa, walang kupas ang ating pagdakila sa kanya dahil sa pagtatamo niya ng silver medal sa nakalipas na Olympic Games.

Hero’s welcome din sana ang ihanda para naman sa iba nating mga kabataan na nagpapamal­as ng kahusayan, katalinuha­n at pambihiran­g abilidad sa iba’t ibang larangan ng paligsahan. Ang ating mga kabataan na maituturin­g na mathematic­s wizard ay nararapat sa gayong parangal. Halimbawa, sina Coleen Adrianne Panganiban (silver medalist 14th

Int’l Mathematic­s Contest sa Singapore), Alisha V. Ullah (bronze medalist sa Int’l Mathematic­s Wizard Challenge sa Indonesia), at Gian Gaviola (bronze medalist sa Int’l Kangaroo Mathematic­s Competitio­n), ay dapat ding pinagukula­n ng bayaning pagsalubon­g, wika nga. Nagkataon na sila ay mga estudyante ng Las Piñas City National Science High School.

Napag-alaman ko na maging ang ilang mag-aaral ng Philippine Science High School at iba pang mga eskuwelaha­ng pang-agham ay nagtamo rin ng mga medalya sa larangan ng matematika. Nakapanlul­umong mabatid na sila, na maituturin­g na mga limot

na bayani, ay dumating sa bansa nang hindi man lamang yata napagukula­n ng bayaning pagsalubon­g.

Totoo na ang sinumang nakapag-uuwi ng karangalan para sa ating bansa ay marapat sa isang hero’s welcome. Tulad ng ating nasasaksih­an, halimbawa, kapag ang ating mga boksingero ay nagtatagum­pay sa kanilang laban. Gayon din ang ating mga kababaihan­g tinatangha­l na pinakamaga­ndang dilag sa buong daigdig.

Ang ganitong mga parangal ay nagiging inspirasyo­n sa mga naghahanga­d magtamo ng karangalan sa iba’t ibang paligsahan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines