Balita

Gold o Bar?

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 5 pm Go for Gold vs.Chelu Bar and Grill

Matira na ang matibay ang kapwa battlecry ng Che’Lu Bar and Grill at Go for Gold sa kanilang salpukan ngayong hapon sa winner-take-all Game 5 ng 2018 PBA D-League Foundation Cup Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakahirit ang Revellers sa pamumuno ng tinanghal na Conference MVP na si Jeff Viernes ng deciding game matapos ang 88-81 na panalo noong Game 4.

Nagsalansa­n si Viernes ng walo sa kanyang kabuuang 18 puntos na outpit sa fourth quarter, bukod sa 5 assists at 3 rebounds upang patuloy na buhayin ang tsansa ng Revellers na mag kampeon.

“I challenged them nangyari na sa atin yan, gusto niyo ba ulit maging runner-up?,” pahayag ni coach Stevenson Tiu. “At least, may chance pa. It boils down to a Game Five. We haven’t won the championsh­ip yet, pero nandyan yung chance.”

Umaasa si Tiu na madadala nila ang momentum ng nasabing panalo ngayong hapon upang makamit ang inaasam nilang titulo.

Partikular na inaasahan ni Tiu ang pagpaparam­dam ng kanilang supporting cast at hindi iniaasa ang lahat kay Viernes partikular sina Jessie Collado na nag-ambag ng 16 puntos at 10 rebounds, at Chris Bitoon na umiskor ng 14 puntos, 2 boards, at 2 assists noong Game 4 gayundin sina Stephen Siruma at JayR Taganas na nagdagdag ng 11 points at 9 rebounds at 10 puntos at 16 boards ayon sa pagkakasun­od.

Sa kabilang dako, inaasahan naman ni coach Charles Tiu upang bumawi para sa Scratchers sina Gab Banal ,Matt Salem , Rey Publico at Paul Desiderio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines