Balita

Nayanig ang China sa basketball

-

JAKARTA, Indonesia — Mistulang intensity 7 na lindol ang tumama at nagpayanig sa ‘Great Wall’ ng Chinese basketball team, ngunit nagawa nilang maalpasan ang matikas na Philippine­s squad, na pinangungu­nahan ni Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson.

Sa kabila nang bilis, teamwork at outside shooting, umarangkad­a ang Pinoy at kinasiyaha­n lamang ng suwerte sa krusyal na sandali ang Chinese squad para maitakas ang 82-80 panalo at walisin ang three-team Group D eliminatio­n stage.

Hindi itinanggi ni Chinese center Zhou Qi, naglalaro sa Houston Rockets sa NBA, na malaki ang itinaas ng kalidad ng Team Philippine­s at isang aral ang natutunan nila sa laban na mistulang championsh­ip match.

“I think we made some mistakes today,” pahayag ng 7-foot-1 na si Qi, tumipa ng 25 puntos para pangunahan ang China.

“I think when we go back we will learn the lessons from the third and fourth quarters, and to avoid the same mistakes in the upcoming matches. We need to give everything we can to fight for every single point,” aniya.

Kumana naman si Ding Yanyuhang, isa pang NBA player mula sa Dallas Mavericknt­er, ng pitong puntos.

Nakaamba na ang kabiguan sa China nang magbalik-aksiyon si Clarkson matapos ipahinga ang paa na nagtamo ng cramps, ngunit sa krusyal na sandali sumablay ang three-pointer ni Paul Lee-Dalistan na nagselyo sa panalo ng Chinese.

“After he cramped, Jordan couldn’t play his 100percent best,” sambit ni Philippine­s coach Joseller Guiao. “But even without him in there we still played well.”

Sa kabila ng kabiguan, pasok sa quarterfin­als ang Philippine Team at haharapin ang South Korea para sa Final Four seats.

Matapos ang arangkada sa third period, napanatili ng Pinoy ang momentum at nakabante sa 78-75. Tangan ng Nationals ang 80-78 bentahe may isang minuto ang nalalabik nang magtamo ng turnover si Stanley Pringle na naging daan para makatabla ang China sa 80-all.

“We have to keep moving on and hope we get to play them (China) again in the tournament,” pahayag ni Philippine­s guard Gabriel Norwood.

“I don’t see this as a loss,” sambit ni Guiao. “We formed this team only two weeks ago, and Jordan just flew in five days ago. He was able to get into the flow quickly. We’re a lot better with Jordan Clarkson.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines