‘2017 Seal of Child-Friendly Local Governance’, nasungkit ng Kawit
TINANGGAP ni administrator, Dr. Norberto Victa Rayupa, bilang kinatawan ng munisipalidad ng Kawit, ang ‘2017 Seal of Child Friendly Local Governance’ (SCFLG) sa regional awarding ceremony sa Quezon Convention Center nitong Lunes.
Ang parangal na ibinigay ng Council for the Welfare of Children (CWC), na pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang katuwang na ahensiya, ay base sa resulta ng mandatory Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) na taunang isinasagawa at sumasakop sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa.
Ibinahagi naman ni Rayupa, bilang kinatawan ng Kawit, ang kasiyahan ng munisipalidad sa ikalawang pagkakataon na makamit nila ang SCFLG.”The the award is the needed ‘pat in the back’ that their hard work paid off,” aniya.
Isa ang Kawit sa pitong lungsod at 16 na bayan sa Cavite na 100 porsiyentong nakapasa sa Child-Friendly Local Government Audit (CFLGA), na inanunsiyo ng DILG nitong Enero.
Ayon kay Rayupa na dating dean ng Emilio Aguinaldo College, Dasmariñas at Manila campuses, Christian College of Tanauan at PIMSAT Colleges Bacoor, ang karangalan “[would] serve as inspiration to be better, give more, in the service of the Kawitenyo children, people.”
Ang audit ng programa ay idinisenyo upang maisaayos ang paghahatid ng mga social services para sa mga bata sa tunguhin ng pamahalaan na makamit ang Child-Friendly Philippines at binubuo ng 12-point indicator upang malaman ang kabuuang performance ng mga LGU.
Kabilang sa mga pangunahing indikasyon ang “reduction in deaths among under five yearold children; reduction in children under six years old with below normal weights; percentage increase in day care/early learning center attendance (public and private); and completion rate for elementary schooling (public and private).”
Kasama rin sa mga indikasyon ang kawalan at pagbaba ng child labor o percentage reduction ng mga kaso ng child labor; pagbaba ng bilang ng mga batang biktima ng karahasan, pangaabuso, kapabayaan, eksploytasyon at trafficking.