Balita

Alden, binisita ng batang fan ni Victor Magtanggol

- Nora V. Calderon

NAGIGING bukambibig na nga ang pangalan ni Alden Richards bilang si Victor Magtanggol, hindi lamang ng mga matatanda, kundi lalo na ng mga bata. Nang dumalo nga ang cast ng Victor Magtanggol na sina Alden, Pancho

Magno, Kristoffer Martin at Dion Ignacio sa Davao Kadayawan Festival ay walang tigil ang hiyawan ng publiko at take note, karakter sa action-comedy-fantasy series ang tawag sa kanila ng mga ito at hindi ang tunay nilang pangalan.

“Nakakatuwa po kapag tinatawag nila kami sa mga characters namin, ibig sabihin, pinapanood nila kami,” sabi ni Alden. “Kahit po saan kami pumunta ganoon na ang tawag nila sa amin, ako nga minsan ‘Victor’ minsan naman ‘Hammerman’. Masarap pong pakinggan, masarap sa puso.”

Noong isang araw ay nag-viral ang video ng isang bata na umiiyak dahil wala silang kuryente kasi hindi raw nagbayad ng bill sa kuryente ang nanay niya. Sa video ay pinipilit niyang tingnan ang resibo. Tinanong ang bata ng nanay niya kung bakit niya gustong makita ang resibo at ang umiiyak na sagot ng bata ay gusto niya raw manood ng TV, partikular na ang Victor Magtanggol.

At heto na nga, nagulat ang kasama sa taping ng serye sa Blue Gardens sa Commonweal­th, Quezon City nang dumating ang Galvez Family, na nakasuot ng costume. Pero sabi nu’ng batang lalaki na siyang may birthday, siya raw si Thor. Nag-post naman ang daddy ng bata, si Raul Galvez sa Facebook page ng VM, “Kiss (pangalan ng bata) loves watching GMA-7’S Victor Magtanggol teleserye. So we told him that Victor will visit him on his birthday. It’s great that Victor Magtanggol also scheduled their shooting at Blue Gardens. Kiss was really super happy!” Kilala pala ni Coney Reyes, na gumaganap na mother ni Alden sa serye, ang Galvex family kaya tinext niya si Alden: “Alden!!! You just made one little boy very happy!!! The Galvezes’ owners of Blue Garden are my good friends!”

Reply naman ni Alden, “Tita, the baby boy here made my day too!” Samantala, sunud-sunod naman ang mall shows ni Alden at ng cast ng VM para makita sila nang personal ng kanilang mga tagasubayb­ay. Nitong Martes, may Kapuso Mall Show sila sa Robinson’s Pangasinan sa Calasiao, at kasama ni Alden sina Dion, Lindsay Johnston at Pancho.

Sa Sabado, nasa MarQuee Mall Activity Center sa San Fernando Pampanga naman sila at makakasama ni Alden dito sina Andrea Torres, Dion, KristLo i ffedr, Lindsay at ang GMA’s Newest Boyband Group, ang JBK The Millennial Trio.

 ??  ?? Alden at Galvez family
Alden at Galvez family

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines