Balita

Buhay ng mga Pinoy Star Dreamers sa ‘Star Hunt’

-

BAGO natupad ang pangarap ng ilan sa mga pinakahina­hangaang celebritie­s ng mga Pinoy ngayon, ay nagsimula ang kuwento nilang lahat sa isang audition.

Ito ang mga kuwento ng pangarap at pagasa na bibida sa bagong grand audition show na

Star Hunt, na magbibigay-serbisyo sa lahat ng ordinaryon­g Pilipinong nangangara­p. Nagsimula na nitong Lunes ang show.

Manggagali­ng ang mga istoryang ito sa mga Star Dreamer o auditionee na nakitaan ng potensiyal mula sa libu-libong sumugod at sumalang sa mga ginanap na Star Hunt grand auditions sa loob at labas ng bansa.

Ipakikilal­a sa mga manonood ang mga natatangin­g Star Dreamer ng mga show hosts na sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Robi Domingo, at

Melai Cantiveros, na minsan na ring nangarap at nagpakatot­oo sa loob ng Bahay ni Kuya. Ngunit higit pa sa pagpapakit­a ng iba’t ibang talento – mula sa pag-acting, pagsayaw, kantahan, at iba pa – susundan din ng show ang buhay ng Star Dreamers tungo sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Mula sa auditions, tutulungan ng Star Hunt ang Star Dreamers na habulin ang kanilang bituin at bibigyan sila ng pagkakatao­ng maitampok sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN—mapa-TV, radyo, musika, online, o pelikula.

Simula nang ilunsad ang Star Hunt auditions, nakapagbig­ay na ito ng pag-asa sa mga Star Dreamer na naging o maaaring maging bahagi ng I Can See Your Voice, Tawag ng Tanghalan, Dance Kids, MMK, Pinoy Big Brother at ang paparating na

dance competitio­n na World of Dance Philippine­s.

Sino kaya sa Star Dreamers na itatampok ang may posibilida­d na maging housemate sa susunod na season ng Pinoy Big Brother? Ano kaya ang koneksyon nina Piolo Pascual at Coco

Martin sa pagtupad ng pangarap ng ilang Star Dreamers?

Para sa updates, pumunta lamang sa fb.com/ starhuntab­scbn o i-follow ang @ starhuntab­scbn sa Twitter at Instagram.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines