Balita

Kath Dupaya, tax informant na

- Ni MERCY LEJARDE

HUMARAP sa ilang members of showbiz press ang kontrobers­iyal na businesswo­man from Brunei na si Madam

Kath Dupaya nitong Lunes ng hapon, para i-expose ang ayon sa kanya ay kayamanan ng isa sa mga dating kaibigan niya, na kaaway na niya lately, na si Joel Cruz.

“Nandito ako ngayon sa inyong harapan at sa buong mundo para i-disclosed ko ang napakalaki­ng issue sa buong Pilipinas na aking na-discover laban kay Joel Cruz.

“Last June 21, 2018, ako po ay nag-file ng case against Joel Cruz at sa kanyang company na Central Affirmativ­e Co. Inc. (CASI) sa BIR (Bureau of Internal Revenue) at ako po ay naging tax informant. Hindi ko po ito ikakaila kay Joel Cruz.”

At isa-isa niyang binasa sa amin ang lahat ng kinita at kayamanan umano ng Lord of Scents, batay sa mga nakuha niyang records nito sa BIR. Humingi pa nga ng kopya si Yours Truly bilang katibayan just in case. Just in case, daw, oh!

“Ako po ay nananawaga­n kay Mr. President Rodrigo Duterte. I will submit this evidence to your good office in Malacañang. I hope, Mr. President, mabigyan mo ng mabilisang action and prosecute the person who betray our country.

“This is not a personal issue against Mr Joel Cruz, ang kailangan lang natin ay magbayad ng tamang tax at tulungan ang ating si President Duterte para sa pag-angat ng ating economy ng Republic of the Philippine­s.

“Bago po ako magtatapos sa akin balita ngaun araw na ito gusto kop o magpasalam­at sa pinuno ng BIR, Mr. Cesar Dulay, and his staff for completing the investigat­ion exactly two months bukas. Tuwing ako ay tumatawag at nagpa-follow meron silang feedback sa akin,” sabi ni Ms Kath.

So, shall we hear the side naman of Mr. Joel Cruz regarding the said matter? Bukas po ang pahinang ito para sa inyong magiging kasagutan sa tinumbok na isyu against you ni Madam Dupaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines