Balita

Madonna, dumepensa sa sarili

-

BUMUWELTA si Madonna nitong Martes sa mga bumatikos sa kanyang speech tungkol sa yumaong si Aretha Franklin sa MTV Video Music Awards (VMA) show, kung saan hiniling sa kanya na magbahagi siya ng anecdote tungkol sa namayapang Queen of Soul. Binatikos ang Rebel

Heart singer sa kanyang 10-minute speech na nakatuon sa career niya nang nagsisimul­a pa lamang, sa show nitong Lunes, kung saan sinabi ng mga organizer na bigyangpug­ay niya si Aretha, apat na araw makaraan itong bawian ng buhay sa edad na 76.

“I was asked to present video of the year by MTV! And then they asked me to share any anecdotes I had in my career connected to Aretha Franklin!” sabi ni Madonna sa kanyang Instagram post nitong Martes.

“I did not intend to do a tribute to her! That would be impossible in 2 minutes with all the noise and tinsel of an award show. I could never do her justice in this context or environmen­t.”

Ang natatangin­g mention kay Aretha sa three-hour show sa New York ay ang maikling video clip ng kanyang pag-awit, kasabay ng pagtugtog ng R.E.S.P.E.C.T, sa closing credits.

Hindi naman nagkomento ang MTV nang hingian ng opinyon nitong Martes.

Binatikos si Madonna dahil ‘tila napunta sa sarili niyang istorya ang dapat ay tribute kay Aretha. Noon ay sinabi niya na sa audition niya nang kanyang kabataan ay ang acappella version ng hit song ni Franklin, na You Make Me Feel Like A Natural Woman.

Wala siyang komento sa career ni Aretha. “Whoever at the #VMAs let Madonna get on stage and give a tribute to @ArethaFran­klin or whatever that was really should be out of a job right about...now,” tweet ni Alicia Garza, cofounder ng Black Lives Matter movement.

 ??  ?? Madonna
Madonna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines