Balita

Ikaanim na labas

- R.V. VILLANUEVA

BAGONG dating si fermin mula sa biyahe at may malaki raw itong surpresa kay Nena na ayaw namang sabihin hanggang sa kanilang kuwarto. Gusto ni Fermin pero ayaw ni Nena. Kailangan daw sabihin ni Fermin ang sorpresa bago ito pumayag.

“Ang sorpresa ay puwede na tayong magsarili,” sabi ni Fermin.

“’Yon lang ?” Hindi nagulat si Nena.

“Sa’n ka naman nakahanap ng mauupahang mura na ay maganda pa?”

“Hindi tayo uupa. Bibili tayo ng lote at bahay!”

Doon na siya nagulat. Pero hindi niya pinahalata. “Matulog na tayo, oy.”

“Hoy, sinabi ko na ang sorpresa ko. “Yong pangako mong uulit tayo pag nasabi ko na ang sorpresa ko.”

“Hindi ako naniniwala d’yan sa kalokohang sorpresa mo.”

“kalokohan sa ‘yong hindi tayo mangungupa­han kundi bibili tayo ng lote at bahay?”

“Tigilan mo na nga ‘yang kalokohan mo, fermin!”

Hindi talaga naniniwala si Nena. Anong kalokohan ang pumasok sa kokote ng kanyang asawa at nagblow-out ng ganoon. Malaki-laki na rin sanang karagdagan sa savings nila ang nagastos nilang mag-asawa.

Kinabukasa­n, magkasabay silang mag-asawa, sakay ng nirerentah­ang dyip ni Fermin. Si Fermin ay mamimili ng kalakal nito sa Divisoria. Si Nena ay idinaan niya sa patahian.

Sa kanto ng Sande at Velazques, inihinto ni Fermin ang dyip. Aktong bababa si Nena, pinigil siya ni Efren. May iniaabot si Fermin na kapirasong papel.

“Ano ‘to?” tanong niya. Kunot-noo si Nena pero hindi siya nagtanong.

“Alam kong hanggang ngayon ay hindi ka pa naniniwala sa sorpesa sinabi ko kagabi.”

Lalong nangunot ang noo ni Nena.

‘Tawagan ang alin man sa numerong ‘yan. ‘Yan ang contact sa bibilhin nating lote at bahay.”

“Hindi ba talaga biro ‘to?”

“Aba’y bumaba ka na,” sabi ni Efren. “Baka mainip si Tsong sa’kin.” Ang Tsong ay ang suking Intsik ni Fermin sa mga kalakal nito.

Bumaba na si Nena. May gusto pa sana siyang itanong pero kumakargad­a na ang sasakyan ni Fermin.

Breaktime na sila nang maisipan ni Nena na tawagan ang numerong pinatatawa­gan ni Fermin. Apurahan ang kanilang tahi at muntik na niyang makalimuta­n ang tungkol doon.

Hindi nahirapan si Nena sa pagkontak. Sa landline siya tumawag. Ang sumagot ay lalaki. Pero saglit siyang natigilan. Malaki, may garalgal ang boses, parang malat ng kaunti. Parang hindi natural ang boses. Parang ginagawa lang. Kung matatakuti­n siya, parang ibig siyang takutn. Pero matapang yata siya.

“O?”Tumaas yata ang boses ng kausap niya. “’Kala ko ba, may sasabihin ka?”

“Gusto ko lang sir... na magtanong.”

Minabuti niyang maging magalang. kahit ba bata kaysa sa kanya ang kausap niya, e.

“Huwag mong hihirapan ang tanong,”sabi ng kausap niya. “Mainisin ako.”

Sino ba ang kausap niyang ito? Ang lokong Fermin ay hindi sinabi kung sino ang makakausap niya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines