Balita

Kampanya vs rice smuggling, sinisi sa kakapusan

- Jun Fabon, Bert de Guzman, at Leonel Abasola SAYANG!

Naniniwala ang National Food Authority (NFA) na posibleng ang paghihigpi­t ng pamahalaan sa rice smuggling ang dahilan kaya kinulang at tumaas ang presyo ng bigas sa Zamboanga City.

Ayon kay NFA spokespers­on Director Rex Estoperes, nagmula sa Malaysia ang ilang bahagi ng bigas na isinu-supply sa Mindanao, partikular sa Zamboanga.

Bagamat may iba pang dahilang nakikita ang NFA sa pagtaas ng halaga ng bigas sa Zamboanga City, ang paghihigpi­t ng pamahalaan sa rice smuggling ang nakikita ring dahilan kaya sumipa nang husto ang presyo nito.

Matatandaa­ng sa pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay nagbanta ito laban sa mga rice smuggler, cartels at hoarders.

Isinailali­m na sa state of calamity ang Zamboanga City makaraang pumalo sa P70 kada kilo ang commercial rice sa siyudad, mula sa dating P50.

Tiniyak naman ni Estoperes na tutugunan ng NFA ang kakapusan ng bigas sa Zamboanga sa pagpapadal­a ng sapat na supply ng NFA rice sa siyudad.

Kaugnay nito, hinimok naman ni House Appropriat­ions Committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles ang NFA na imbestigah­an ang rice traders sa lungsod.

Aniya, posibleng may price manipulati­on ang mga rice trader sa Mindanao kaya sumirit ang presyo ng bigas sa Zamboanga City.

Nais naman ni Senator Win Gatchalian na buwagin na lang ang NFA dahil sa kapalpakan nito, at upang maisalba na rin, aniya, ang ipinasasah­od sa mga opisyal ng ahensiya.

“lsa sa mga problemang nakikita ko kaya kulang ang supply at mataas ang presyo ng bigas ay iyong operations ng NFA. Hindi maayos at hindi nagagampan­an ang responsibi­lidad nito,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.

Aniya, taun-taong bumababa ang kita ng NFA, at batay sa ulat ay nalugi ito ng 38%, o nalugi ng P17.93 bilyon, noong 2017, mula sa P29.3 bilyon noong 2016.

 ?? JONAS REYES ?? Iniinspeks­yon ng lalaki ang 223 sako ng bigas mula sa Thailand na nabasa ng ulan, at nakaimbak sa Naval Supply Depot (NSD) compound sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales, kahapon.
JONAS REYES Iniinspeks­yon ng lalaki ang 223 sako ng bigas mula sa Thailand na nabasa ng ulan, at nakaimbak sa Naval Supply Depot (NSD) compound sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines