Balita

‘Crazy Rich Asians’ author, wanted sa Singapore

-

WANTED ang awtor ng Crazy Rich

Asians, na kamakailan lamang ay isinapelik­ula, sa kanyang bansang Singapore dahil sa umano’y pagtanggi niya sa mandatory national service, lahad ng mga awtoridad nitong Miyerkules.

Nahaharap si Kevin Kwan, na naniniraha­n sa Amerika simula nang siya ay 11 taong gulang pa lamang, ngunit isa pa ring Singapore citizen, sa tatlong taong pagkakakul­ong at malaking multa sakaling mapapatuna­yang nagkasala, lahad ng defense ministry ng citystate.

Ini-release sa Amerika ang movie adaption ng kanyang bestseller, na nakatuon sa glamoroson­g mundo ng pinakamaya­yamang tao sa Singapore, nitong nakaraang linggo at sinasabing nagbigay-daan sa Hollywood diversity dahil sa ang mga cast ng pelikula ay pawang Asian.

Nag-premiere ang pelikula sa Singapore nitong Martes, at dumalo sa red carpet ang ilang tampok sa pelikula, gayundin ang daan-daang fans, ngunit hindi dumalo si Kevin, iniulat ng Straits Times newspaper ng Singapore. Ibinunyag ng defense ministry ng Singapore ang sa isang pahayag “(Kevin) failed to register for National Service in 1990, despite notices and letters sent to his overseas address. He also stayed overseas without a valid exit permit.”

Required ang mga lalaking Singapore citizen na sumailalim sa dalawang taong national service kapag tumuntong na sa edad na 18. Maaari silang magsilbi sa militar, sa pulisya o sa civil defense force. Inihayag din ng defense ministry na tinangka ni Kevin na ipawalang-bisa ang kanyang Singapore citizenshi­p noong 1994, ngunit ibinasura ang kanyang aplikasyon dahil sa hindi niya pagkumplet­o sa kanyang national service.

 ??  ??
 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines