Balita

GG NA MAY FORMALIN, HAHARANGIN

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na hindi hahayaan ng gobyerno na makapasok sa bansa ang galunggong na may formalin, kasabay ng paghikayat sa mga kinauukula­ng ahensiya ng gobyerno na bigyangpan­sin ang isyu.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos magbabala si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko laban sa pagkain ng imported na galunggong na may mapanganib na kemikal.

Babala ng grupo ng mga mangingisd­a na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalaka­ya ng Pilipinas (Pamalakaya), gumagamit ng formalin ang China upang mapreserba ang mga isda nito.

Sa press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Roque na mayroong mga hakbangin na maaaring gamitin ang gobyerno, kung totoo nga ang nasabing ulat.

“Kung may ganyan pong alegasyon ay meron naman po tayong Department of Health (DoH), meron tayong Department of Agricultur­e (DA), at alam ko po meron tayong phytosanit­ary measures na pupuwedeng gamitin,” aniya.

“So, I think the DA and the DoH have heard these allegation­s and I don’t think the government will allow the entry of these tainted fish products,” dagdag ni Roque.

Nitong nakaraang linggo, inaprubaha­n ni DA Secretary Emmanuel Piñol ang importasyo­n ng nasa 17 metriko tonelada ng galunggong simula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon, upang mapanatili ang presyo bago ang pagtatapos ng panahon ng pangingisd­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines