Balita

Kaanak ng massacre victims, gigil sa furlough

- Ni ALI G. MACABALANG DEATH DEFYING? KEITH BACONGCO

COTABATO CITY – Nagpahayag ng matinding galit ang mga kaanak ng mga biktima ng nakakikila­bot na 2009 Maguindana­o massacre kaugnay ng hindi ipinaalam sa kanilang pag-apruba ng korte sa furlough para sa isa sa mga pangunahin­g suspek sa krimen na si Zaldy Ampatuan, upang dumalo sa kasal ng anak nitong babae sa isang hotel sa Metro Manila nitong Martes.

Sa pangunguna ni Maguindana­o Board Member Jazzer “King” Mangudadat­u, nagkani-kanyang pagpapahay­ag ng sama ng loob sa Facebook at sa mga lokal na mamamahaya­g ang mga kaanak ng 58 pinaslang sa massacre, at sinabing ang furlough na ipinagkalo­ob kay Ampatuan ay malinaw na “implied mockery” ng hustisya, at nagpaigtin­g sa sinasabi ni Ampatuan na kalaunan ay makakalaya na rin siya sa piitan.

Ayon kay Mangudadat­u, ang kawalan ng notice sa mga naghain ng kaso at mga kaanak ng mga biktima tungkol sa furlough grant ay nagpatindi lang sa suspetsang nababayara­n umano ang hudikatura.

“Ang mga hurado ba ay nababayara­n pa rin ng salapi ngayon?”, ani Mangudadat­u.

Labingtatl­ong taong gulang pa lang ang opisyal nang ang buntis niyang ina na si Ginalyn, dalawang tiyahin, at 55 iba pa ay pagpapatay­in noong Nobyembre 23, 2009 sa isang liblib na lugar sa Ampatuan, Maguindana­o.

Tatlumpu’t dalawa sa mga nasawi ay mamamahaya­g na magko-cover lang ng paghahain sana ni Ginalyn ng certificat­e of candidacy para gobernador ng asawang si noon ay Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadat­u, sa bayan ng Shariff Aguak.

Gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang mangyari ang massacre, nakunan ng video si Ampatuan habang isinasayaw ang bagong kasal niyang anak na si Nur Aila sa dance floor ng Sofitel Hotel nitong Martes.

Martes din ng gabi nang i-post sa Facebook ni Tawi-Tawi Rep. Ruby Sahali, isa sa 60 wedding sponsors, ang nasabing video.

Iginiit naman ni Board Member Mangudadat­u na ang apat na oras na furlough ni Ampatuan ay may presensiya ng “VIP treatment” sa Bicutan detention facility.

Sa kanyang tugon sa protest publicatio­n ng National Union of Journalist­s of the Philippine­s (NUJP), sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra: “The prosecutio­n vigorously opposed Zaldy Ampatuan’s motion for furlough to attend his daughter’s wedding, but the court granted the motion for humanitari­an reasons.”

 ??  ?? Tila balewala sa mga bata ang panganib sa pagsabit sa multicab sa Pikit, North Cotabato, kahapon.
Tila balewala sa mga bata ang panganib sa pagsabit sa multicab sa Pikit, North Cotabato, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines